Chapter 17 - Party Ever After

2.3K 81 2
                                    

Chapter 17 – Party Ever After

Henessy was suspended for one month with community service. Dahil may sprain ako sa paa kaya hindi ako naka-attend nang Christmas party.

Si Eli ang umaalalay sa akin kapag naglalakad ako. Mabuti nga at bakasyon na kaya maipagpapahinga ko ang mga paa ko.

"Idol mo ba ako, anak? Gumaya ka pa sa akin na papilay-pilay," biro ni Papa habang naglalaro kami nang sungka sa sala.

"Si Papa talaga. Syempre idol ko kayo pero hindi ang pilay niyo," natatawa kong sabi.

"Sayang naman ate iyong binili mong damit para sa Christmas party. Puwede ka naman kasing mag-attend, eh. Bubuhatin kita from first floor to fourth floor," sabi ni Eli. Kahapon kasi iyong party at nag-attend si Eli.

"Naku, patpatin ka kaya. Hindi mo ako mabubuhat," nakalabi kong sabi sa kanya.

"Ata mas malaki ako sa'yo, 'no! Kita mo 'tong muscles ko? Parehas na kami no'ng paborito mong si Tailor Lautner!" pagmamalaki niya pa.

"Ay ang feeling!" natatawa kong sabi.

Hapon na nang mapansin kong naglilinis nang bahay si Mama at Eli. Nag stay lang ako sa veranda habang nagbabasa ng manga. Sobra akong absorbed sa binabasa ko nang makarinig ko nang mga ingay.

"Yanni! Tao po!" napatingin ako sa may gate at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nasa labas.

"Mama! Bakit nandito po ang mga kaklase ko?" nagtataka kong tanong.

Lumabas naman si Mama at Eli.

"Nandito na sila. Pagbuksan mo nang gate, Eli." Sabi ni Mama.

"Ma?"

"Dahil wala ka raw kaya hindi na nila tinuloy ang party. Dito na lang sila magce-celebrate. Ang babait nang mga kaklase mo anak." Nakangiting sabi ni Mama.

Noong nasuspend si Nessy sa school, nakiusap pa si Mama na baka puwedeng babaan ang parusa kasi naaawa raw siya. Pero desisyon ni Principal ang suspension niya kaya wala na si Mama nagawa. Si Mama kasi, hindi niya kayang magalit nang matagal sa isang tao. Kahit pa iyan may ginawang mali sa kanya. Sa kanya nga 'ata ako nagmana.

Pinapasok ang jeep na sinakyan nila sa frontyard. Mabuti na lang talaga ang malawak ang harapan ng bahay namin.

"Yanni! Kumusta? Hello, Tita!" masayang sabi ni Tine. Siya talaga ang nangunguna. May mga dala siyang lalagyan na sa tingin ko ay may laman na pagkain. Lahat nang mga kaklase ko ay nandito. Pati sa mga tahimik at mga maiingay. May dala siyag balloons at tarpaulin.

Hala! Kasya ba ang bahay sa kanila?

Tinulungan ni Mama ang mga kaklase ko na ilagay ang mga pagkain sa kusina. Ipinandikit din nila ang mga balloons sa dingding at dinikit ang tarpaulin sa pader.

"Kumusta ka na, Yanni?" tanong ng mga kaklase ko.

"Okay naman ako," nakangiti kong sagot.

Niyakap naman ako ni Aya nang mahigpit. Naalala kong umiyak siya noong nadatnan niya ako sa bahay nila. Galit na galit siya.

"Namiss kita, beh." Sabi niya.

"Waaah! Ako rin pa-hug!" singit ni Tine.

Niyakap ako nang dalawa. Nagulat lang ako nang biglang may nag-flash. Si Harold pala kinunan kami nang pictures.

Lahat sila nandito...pero may kulang.

"W-where's Uno?" tanong ko.

"Ay grabe! Nandito na tayong lahat pero isa lang pala talaga ang hanap ni Yanni," nagtatampong sabi ni Calvin.

Crossroads: Loving TorpeWhere stories live. Discover now