Chapter 2 - The Muse

3.2K 113 3
                                    


Chapter 2 – The Muse

Sa first week of school year ay naging fast friends namin ni Tine si Aya. She may be judged as sarcastic, maarte, at maldita, pero hindi mo makikilala ang isang tao kapag hindi mo pa siya nakakasama.

Beh na rin ang tawag niya sa amin ni Tine at madalas siyang magpasama para bumili ng nail polish. It was before the last day of the first week of school year nang magkaroon ng nominations for class officers each subject.

From first year to third year ay lagi akong na-e-elect na secretary dahil daw sa maganda ang sulat ko. Madalas ako noong inuutusan na magsulat ng lectures sa pisara. Kaya sana huwag ako ngayong manominate kasi nakakapagod din maging secretary. Lalo na kung utusan ka lang ng mga teachers na tamad magsulat sa blackboard.

"I respectfully nominate Aya as President," sabi ni Calvin at agad siyang kinontra ng iba.

"Siya ang Muse natin!" kontra ni Heidy.

"Bopols ka talaga! Hindi puwede kasi si Uno ang escort. Mag pinsan kaya sila!" sabi naman ni Cynthia.

Walang nagawa ang kontrahan nila kasi si Aya ang naging class President namin. Tuwang-tuwa naman siya kasi first time raw na hindi siya magiging muse. Feeling niya raw kasi puro lang siya beauty.

Tine became the treasurer and luckily, hindi ako ang secretary. Kampante na ako na hindi ako makakasama sa list of officers nang marinig ko ang pangalan ko.

"I respectfully nominate Yanni as muse," sabi ni Harold habang natatawa. Kainis. Mukhang ako pa ang napagtripan nila.

"Oh, my God, beh! First time 'yan, ah?" tawang-tawa na sabi ni Tine.

"Tumigil ka nga diyan. Nakita nang pinagti-tripan ako," masama ang loob na sabi ko.

"Hindi kaya! Tingnan mo, oh. Ni-close agad nila ang nomination para ikaw ang manalo,"

"Who wants to vote for Yanni?" tanong ni Aya sa unahan at nagulat ako kasi lahat sila ay nagsitaasan ng kamay.

"Majority wins!" sigaw ni Harold at nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Kainis lang!

"Our class muse is Yanni Madrid. Let's go now for the last position. The class escort. Who wants to nominate?"

"I respectfully nominate myself!" sigaw ni Gios at nagtawanan ang lahat.

"Pare, hindi ka na puwede. Ikaw ang PIO!" tawang-tawa na sabi ni Felix.

"PIO! Para igop (higop) ng otot!" sabat ni Chester at nagtawanan ang lahat.

"Gago ka, Chester!" naiinis ngunit natatawang sabi ni Gios.

"Labyu too, pare!" sagot pa nito at mas lalong nag-ingay ang mga ka-klase ko. Pati si Ma'am ay nakikitawa na sa amin.

"Guys, tama na 'yan," saway ni Aya kaya tumahimik ang lahat kahit ang iba ay natatawa pa rin.

"I respectfully nominate myself as class escort."

Katahimikan.

Para bang may dumaan na anghel sa harap ng classroom nang marinig namin ang nagsalita.

Lahat kami ay nagulat kay Uno. Namumula ang tainga niya habang napapakamot sa likod ng leeg. Sa gilid niya ay parang mamamatay na si Harold at at Calvin sa katatawa.

Pati 'ata si Aya ay hindi makapaniwala kasi nakaawang lang ang bibig niya habang nakatingin sa pinsan niya na animo'y tinubuan ito ng sungay.

Tumikhim naman si Harold habang tawang-tawa pa rin si Calvin. Para bang may ginawa sila para mapilit nila si Uno na inominate ang sarili.

Crossroads: Loving TorpeWhere stories live. Discover now