Chapter 14 - Realizations

2.3K 94 9
                                    

Chapter 14 – Realizations

Nasa computer laboratory kami ngayon. Lahat kami ay tahimik kasi sobrang istrikto ang computer teacher namin. May gusto ng asana akong itanong kay Tine tungkol dito sa multimedia kaso nasa likod ko siya. Hindi ko pa naman ma-gets.

Si Irene na katabi ko ay patapos na. God! Bakit ba ang hina ko sa ganito?

Nakita kong sandaling lumabas kaya agad akong lumingon kay Tine.

"Beh, tulungan mo nga ako. Hindi ko mapagalaw 'tong kotse!" halos pabulong ko lang na sabi.

"Hindi ko rin alam, eh. Si Calvin ang nag-gawa sa akin," sabi niya at itinuro ang katabi niya na seryosong nakatingin sa computer screen.

Nanlulumong humarap ako. Nasa unahan si Aya at alam kong magaling siya rito. Pero masyado siyang malayo sa akin.

Bumalik na si Sir kaya nawalan na ako nang pag-asa. Hala. Zero ako sa activity. Hindi na nga kataasan grades ko sa computer tapos—

Natigilan ako nang may naglapag nang flashdrive sa table ko. Nag-angat ako nang tingin at nakita ko si Uno na dumeretso papunta sa table ni Sir.

"May I go out, Sir?" rinig kong sabi niya at tumango naman agad si Sir.

Hindi na ako nagdalawang isip at agad kong sinalang ang flashdrive sa USB port. May isang folder na sa akin nakapangalan. Agad ko itong kin-lick at nakita kong ito ang activity namin ngayon.

Iginawa niya ako? Hala!

Kinapo-paste ko lahat nang code sa gawa niya at trinansfer ko sa akin. Napangiti ako nang gumalaw na ang kotse.

Natapos ang subject namin sa computer at bumalik na kami sa room para sa last subject ngayong hapon. Gustong-gusto kong lapitan si Uno para magpasalamat kaso nahihiya ako. Kasama pa naman niya ang dalawa, baka mamaya asarin na naman nila ako.

Nang dumating ang teacher namin sa TLE ay natahimik kami. Nagkaroon lang kami ng groupings para sa laboratory namin sa Friday. Sabi ni ma'am ay magbe-bake kami nang iba't-ibang luto nang cookies. Hindi ko ka-group sina Aya at Tine pero kasama ko si Harold.

Siguro magtatanong na lang ako kay Ate tungkol sa mga recipe niya. Dito siya magaling, eh.

Nang matapos ang klase ay nag-aayos na lang ang mga classmate ko. Nakita kong nanghihingi ng pulbos si Calvin kay Sally pero ayaw siya nitong bigyan. Si Heidy naman ay naki-spray sa pabango ni Anne. Si Aya at Tine naman ay naglalagay nang lipbalm sa labi. Napapangiti na lang talaga ako kapag ganito ang scenario sa uwian. Naghahalo ang amoy ng mga pabango at pulbos sa loob room.

"Sweepers! Maiwan!" sigaw ni Aya at narinig ko ang pag-kontra nang mga Monday sweepers. Wednesday sweepers kasi kami, sa third row, eh.

Muli akong napalingon kay Uno. Inaayos na niya ang gamit niya. napaka-aliwalas nang mukha niya ngayon. Dahil ba sa bago niyang gupit? Hindi, eh. Para kasing may something.

Saktong nag-angat siya nang tingin kaya nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Kung dati ay agad siyang nag-iiwas ng tingin sa akin, ngayon ay nginitian niya ako.

"Yanni, nag-lecture ka sa TLE, 'di ba?" sabi niya at agad akong tumango. "Puwede ko bang ipa-photocopy? Magle-lecture rin kasi ako mamaya," sabi niya.

"Oo naman! Bayad ko na lang sa pagpapa-copya mo ng code kanina sa computer," nakangiti kong sabi.

"Wala iyon. What are friends are for, 'di ba?" sabi niya.

Ibinaba ko ang bag ko at inilabas ko ang notebook ko.

Crossroads: Loving TorpeWhere stories live. Discover now