Chapter 12 - Sing

2.2K 89 2
                                    

Chapter 12 – Sing

Madaling araw na kaming natapos mag-swimming. Naka-high tide ang dagat kaya hindi kami pumupunta sa dulo. Pero safe naman kasi may lifeguard naman.

Pag-ahon namin ay agad kong naramdaman ang lamig. Pakiramdam ko ay nangangatal na ang katawan ko. Iba pa rin talaga kapag nakababad ka sa tubig.

Agad kong kinuha ang cloak para itabing sa katawan ko pero halos wala rin namang silbi kasi manipis ito.

"Here...ikaw na muna gumamit," sabi sa akin ni Uno at inabot sa akin ang black towel niya.

"N-naku...'wag na—" hindi na niya ako pinatapos at ipinatong na niya ang tuwalya sa balikat ko.

Nakahawak siya sa braso ko at iginiya niya ako sa bonfire.

Panay naman ang kain nina Aya at Tine. Si Calvin at Harold ay himalang nakapa-tahimik habang nakatulala sa bonfire. Hindi kaya nadala na nang malakas na alon ang kapasawayan nila?

"Harold, hiram ka nga nang gitara sa kanila," itinuro ni Aya ang grupo ng magbabarkada. Iyong kaninang nakatama ng bola sa amin ni Uno.

"Nakakahiya!" agad nitong sabi. "At saka, hindi ako marunong mag-gitara!"

"Ang bano mo naman!" umiirap na sabi ni Aya.

"Si Tine marunong 'yan," sabi ko.

"Pero hindi ako magaling kumanta. Mamaya magka-tsunami pa rito," natatawa niyang sabi.

"Si Yanni na lang ang kakanta," sabi naman ni Calvin. 'Ayan na. Nag-iingay na ulit sila.

"Hindi naman maganda boses ko," sabi ko.

"Pero mas okay ang boses mo kaysa sa akin," paalala ni Tine.

"Sige na, guys. Ang tahimik kaya natin dito. Dalawa naman gitara nila, eh," sabi ni Aya.

"Ikaw na lang manghiram, Uno. Tutal may atraso sa'yo iyong babae kanina..." natatawang sabi ni Harold.

"Nag-sorry naman siya, eh," sabi ko at tinutukoy ko iyong nakabato ng bola.

"Badtrip kaya 'yan kanina, 'di ba, p're?" ginalaw-galaw pa ni Harold ang kilay.

"Tsk! Ewan ko sa inyo!" pagsusuplado ni Uno. Ngayon ko lang siya nakikitang ganyan. Iyong magpakita nang pagkainis. Lagi kasi siyang kalmado at kapag inaasar siya ng dalawa ay tinatawanan niya lang at panay ang iling. Pero ngayon...

Tumayo siya at dumeretso sa grupo ng magbabarkada. Napapakamot pa siya sa batok niya. Mukhang nahihiya.

Napaangat nang tingin ang mga nilapitan niya. Parang nakilala pa siya ng iba kanina. Tumingin siya sa amin at itinuro kami.

"Salamat. Ibabalik ko 'pagkatapos," nabasa kong sabi niya.

Bumalik siya at dala-dala na ang gitara.

"Ayos!" bulalas ni Calvin.

Kay Tine ibinigay ni Uno ang gitara. Napatingin ako kay Calvin at parang excited siya na makitang tumugtog si Tine. Hmm...

"Ano sa atin, beh?" tanong ni Tine habang ini-strum ang gitara.

"Isa lang naman iyong alam kong kanta na alam mo ring tugtugin, eh," natatawa kong sabi.

Madalas kasi kapag nasa bahay ako nila Tine, lagi kaming nagsa-soundtrip.

"Okay...okay. Alam ko na," nakangiti niyang sabi.

Napahawak naman ako sa towel. Kinakabahan ako. Mga kaibigan ko lang naman ang kakantahan ko.

Nagsignal si Tine at tumango naman ako. isa-isa ko silang tiningnan at lahat sila nakangiti sa akin.

Crossroads: Loving TorpeWhere stories live. Discover now