Chapter 9 - Origami

2.5K 86 4
                                    

Chapter 9 – Origami

Ten minutes. Argh! Bakit ba kasi ako na-late nang gising? Nakakainis naman, eh!

Patakbo akong pumasok nang gate at halos manlumo ako nang makita kong papasok na ang mga studyate sa highschool building. Natira na lang ay iyong mga late rin katulad ko.

At ano nga ba ang pinapagawa sa mga late? Syempre one late is equals to one community service sa Saturday.

Nakayuko lang ako habang nakapila. Panay ang sermon ng vice principal namin. Tapos kinuha pa ang ID namin. Nakakainis talaga.

Pinabalik kami sa mga respective class namin at halos itago ko na ang ulo ko sa loob ng uniform nang pumasok ako sa classroom.

Nagsisimula nang magturo si ma'am at lahat ay nakatingin sa akin.

Promise hindi na ulit ako male-late ng gising!

"Sitdown, Yanni," sabi ni ma'am kaya agad akong pumunta sa upuan ko.

"Why are you late?" tanong ni Aya nang makaupo ako.

"Na-late ako ng gising, eh," mahina kong sagot.

"First time mong ma-late sa buong buhay mo," sabi sa akin ni Tine. Nginitian ko siya ng alanganin.

Kagabi kasi ay nag-usap kami ni Ate Moira sa skype. Masyadong napasarap ang usapan namin kaya alasdose na ako nakatulog.

Isang buwan na rin ang nakalipas simula no'ng intrams at next week ay fifth monthly exam na namin. May sembreak kami kaya kailangan namin ng clearance. Ganito naman dito lagi, eh. Kaya hindi talaga makakatulong ang community service ko sa Saturday kasi imbes na magre-review ako eh, kailangan ko pang pumunta ng school. Mabuti nga at wala kaming report ngayon sa CAT kasi busy lahat para sa upcoming exam.

Ang ibang teachers namin ay pina-library kami para raw gumawa ng reviewer.

"Beh, ikaw na lang ang gumawa ng reviewer sa English at Physics tapos ako naman sa A.P at computer," sabi sa akin ni Tine.

"Sige," sabi ko habang nagsusulat.

"Huwag na kayong gumawa nang sa E.P, Filipino, at Math, kasi tapos ko na iyon. Ipa-xerox niyo na lang," sabi naman ni Aya.

"Eh, paano iyong TLE and MAPEH?" tanong ni Tine.

"Ako na lang sa TLE, ikaw sa MAPEH," sabi ko at tumango siya.

Tumayo ako para kumuha ng libro. Sa filipiniana section ako pumunta para maghanap ng TLE books.

Kukuhanin ko na sana ang textbook nang may unang kumuha nito. Nag-angat ako ng tingin at lihim akong nagulat nang makita ko si Russel sa harap ko.

"Hi, crush!" nakangiti niyang sabi.

"Uhm, gagamitin mo ba ang book? Iisa na lang kasi, eh," sabi ko.

"Gagawa sana ako ng reviewer. Do you want us to share?" tanong niya.

"H-huwag na. Kapag tapos ka na lang ibigay mo sa akin," sabi ko at tumalikod.

Hindi pa ako nakalalayo nang higitin niya ang braso ko. Siguro dahil sa maliit lang akong babae kaya napasubsub ako sa dibdib niya.

Agad naman akong lumayo sa kanya pero hindi ako makabitaw kasi hawak-hawak niya ang pulupulsuhan ko.

"R-Russel...kamay ko," mahina kong sabi.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga nang malalim.

"You frustrate me, Yanni," sabi niya. First time niya 'atang tawagin ako sa pangalan ko.

Crossroads: Loving TorpeWhere stories live. Discover now