Prologue

7.3K 146 4
                                    

Prologue

"Ang sarap kaya mag mahal ng torpe..."

Napangiti lang ako nang marinig ko ang dalawang babae sa loob ng NBS. Kagaya ko ay nagbabasa rin sila ng libre sa Manga section. Naka suot pa sila ng school uniform at agad kong nahulaan na mga highschoolers pa lang sila.

Ibinabalik ko na ang mga kinuha kong Manga nang mag vibrate ang phone ko. Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang pangalan niya.

'Hon, nandito na ako sa food court. Saan ka?'

I typed a reply at sinabi kong pupuntahan ko na siya.

Naglalakad ako papunta sa food court at natanaw ko siya sa gitna, sa unahan lang ng water station. As usual ay dala-dala niya ang kanyang itim na backpack na may lamang laptop. Nakasuot siya ng black and white striped polo at baseball cap.

Kumaway ako sa kanya nang magtama ang mga mata namin.

Four years. Four years na kami at hindi pa rin ako nagsasawang sariwain ang nakaraan kung paano kami nagkakilala.

"Yanni!" nakangiti niyang tawag sa akin.

"Kanina ka pa?" tanong ko at tumabi sa kanya.

Umiling naman siya, "Mm, kakarating ko lang. Gutom ka na ba?"

"Medyo, eh," nahihiya kong sabi at narinig ko ang mahina niyang tawa.

"Ano'ng gusto mo?"

"Take out ka sa KFC, dito natin kainin," sabi ko at tumayo na siya.

"Iyon lang?"

"Mm,"

"Madali lang ako. Huwag kang magpatabi," sabi niya at natatawang tumango ako.

Tama nga sila. Masarap talagang mag-mahal ng torpe. Nasasabi ko ito kasi ang boyfriend ko ay saksakan ng torpe noon.

Pero alam mo ba kung ano ang advantage kapag minahal ka ng isang torpe? Makakasigurado ka na ikaw lang ang mamahalin niya. Makakasigurado ka na hindi na siya titingin sa iba.

Masuwerte ako dahil minahal ako ng isang torpe.


______


This is the book 2 of Crossroads: Between You and I. Warning though, kasi mejj may pagka-cliche siya. But i'll assure you na may uniqueness naman ang kuwentong ito. Ginawa ko lang siyang relatable...and somehow, a slice of life kind of story. :)) Sana ma-enjoy niyo ito.

Kung member ka ng Thyriza's Stories group sa facebook, malamang ay nabasa mo na ito. I will post it here para mabasa ng ilan na hindi member ng group na iyon. :)

-Ate Thy.


Crossroads: Loving TorpeWhere stories live. Discover now