Rule Twenty Three - Finding Out

17.3K 330 7
                                    

Rule Twenty Three
Finding Out

Ipie’s POV

Pinagbuksan ko ng pintuan ang mag-pinsang sina Xanara at Cheen. Ngumiti lang sila sa akin. Si Card at Sharen na ang kumausap sa kanilang dalawa habang ako ang nag-prisintang umakyat sa dating kwarto ni Summer para sundan si Ron my labs ko na sinundan naman ang nagmumukmok niyang ugok na kaibigan na si Spear.

Wo-walk out walk out kahapon pagkatapos ngayon magwawala. Bangag.

“Ron?” sumilip ako sa bukas na pintuan. Magkausap sila ni Spear kaya’t pumasok na ako.

“Sino ba kasing nagsabi sa kanyang galit ako?” nadatnan kong inis na sabi ni Spear.

Aba’y malamang mag-a-assume si Summer na nagalit ka. Nag-walk out ka kaya. Tadyakan ko ang tadyang mo d’yan nang matauhan ka. Hmp! Imbyerna!

“Brad, ‘yon na ang kauna-unahang iniisip ng babae kapag gano’n. ‘Tsaka parang naging mali rin ang pag-kwestyon ko sa kanyang hindi kayo mated pagkatapos nagkaanak kayo. Parang ang labas ay tinulungan ko pa siyang makalusot. E kasi naman, pare, nakakatanga naman ‘yang nangyari sa inyo, e.”

“I don’t know how that happened either. I just want her to be with me,” frustrated niyang sabi.

Napairap na lamang ako at umiling. “Guys? Haler may sasabihin ako.” tumingin sila sa akin sa wakas. “Nasa ibaba si Xanara. Kasama niya ‘yong pinsan niyang witch. Cardigan decided to figure Summer’s mysteries para hindi tayo nanghuhula. Ngayon kung gusto n’yong maabutan ang conversation nila, aba e tama na ang conference n’yo at bumaba na kayo.”

“Kasama ba sa pag-uusapan ang nangyari sa amin ni Summer?” Spear hopefully asked.

Tumango ako. “In fact, that’ll be the main topic.”

Tumayo na si Spear at lumabas. Lumabas na rin kami ni Ron at naglakad pababa habang nagtatanong ako ng tungkol sa kaibigan niyang may konti na rin yatang sayad sa utak at kailangan nang ipa-mental hospital.

“Hayun natatanga na,” pabuntong hiningang sagot ni Ron nang kamustahin ko ang lagay ni Spear. “Tsk, nakakainis nga, e. Noong nandito pa si Summer nakakatulog pa ng maayos ‘yan. Ngayon hindi na natutulog. Ni hindi na kumakain. Ginawa nang tambayan ang kwarto ni Summer.”

“Nakakalungkot din namang nangyari ‘yan. Malakas si Summer. Kontrolado niya ang emosyon niya. Isa pa kasama niya lagi si Cyrus kaya okay lang. Safety net niya ang bampirang ‘yon, e. E si Spear? Siya ang kawawa, e.”

“Sinabi mo pa. Masyado kasing madulas si Summer, e. Ni hindi mo malaman kung nasa’n.”

Kaya nga naman.

Buti pa kami ni Ron okay. Okay na okay!

So nasa sala na kami. I think nagpalayas na naman si Spear ng mga pack members niya at kami-kami na lang halos ang naroon kasama na rin sina Xanara at Cheen.

Ngumiti si Xanara kay Spear at sa amin. “Heto nga pala si Cheen, pinsan ko. She’s a witch. Makakatulong siya para madiskubre ang itinatago ni Summer mula sa atin.”

 “So let’s start,” agad na sabi ni Card.

“Give me a little background. From what you remember, Card, until the present time.”

Biglang natigilan si Cardigan. I bet hindi niya inaasahang may interrogation muna sa kanya bago mag-hocus pocus ang dalawa.

Ngunit maya-maya rin ay humugot siya ng malalim na hininga.

She's The Rule BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon