Rule Twenty Two - Interrogation

16.9K 317 11
                                    

Rule Twenty Two
Interrogation

Summer’s POV

“Magdahan-dahan ka nga.”

Binelatan ko si Zero bago isinubo ang nahiwa na manggang hilaw na sinawsaw ko sa bagoong na alamang. Napailing lang siya sa akin na ikinangisi ko. Pambihira naman kasi, e. Bakit ba bigla akong nag-crave ng mga ganitong pagkain? Kasi naman ‘yong nagtitindang kuya sa palengke, inakit ako, e!

“Buntis ka ba?”

“Hoy ang OA ah. Pa’no naman kaya ako mabubuntis nito?”

“Malay naman namin.”

“Hala. Ano, nabuntis ako ng hangin? Sira.”

Nagkibit ng balikat si Zero. Ngumiti si Cyrus na tahimik na nakikinig sa amin. Napabuntong hininga na lang ako.

Magpa-check up na kaya ako? Medyo matagal-tagal na rin itong kakaibang paninigas ng puson ko na hindi ko alam kung anong meron. Madalas na rin akong nagko-collapse. Oh no. Baka naman may cancer ako? Ay pambihira.

Nagpatuloy ako sa pagnguya ng mangga nang bigla namang nag-komento si Cyrus. “Nangangasim ako sa kinakain mo, honeysuckle.”

Tumawa ako. “De kumain ka rin.”

“Ayoko. Mabaho sa bibig ‘yan.”

“Ang arte mo,” saka ako sumubo ulit para inggitin siya.

Whoo! Ang sarap talaga! Kahit maasim siya okay lang, masarap naman kasi talaga.

“Summer, kailan ka nga pala babalik ng Mistic?” maya-maya’y usisa ni Zero.

Napatigil ako mula sa pagsubo ng mangga. “Mm… hindi ko pa alam, e. May balita na ba kayo sa kanila? Hindi ko pa rin kasi natatawagan si Nana Ipie simula noong huli nating bisita na hindi kaaya-aya.”

“Tumawag si Card sa akin kagabi,” sabad ni Cyrus sa usapan. “Noong parehong araw namatay din daw si Axcel. Ipinalibing siya nina Spear at Edka. Si Edka naman… umalis din daw matapos mamatay si Axcel. And get this, honeysuckle. Axcel told them that you are not his mate. That Edka, too, isn’t Spear’s mate. Ang ipinalabas niya, sila ni Edka ang itinadhana.”

Patay malisya at walang kibo akong nagpatuloy sa pagkain. Naningkit ang mga mata ni Cyrus. “May alam ka ba sa nangyayari, Summer?”

“A-Ano namang malalaman ko sa kalokohang ‘yan? Sana kasi itinanong nila kay Axcel kung paano nangyari ‘yon.”

“Don’t you think it’s weird, honeysuckle? You, werewolves, are not supposed to look at other werewolves when you’re mated. Sa tagal kong nag-exist wala pa akong nakikitang taong-lobo na nangaliwa at iniwan ang mate niya para sa iba. It’s just a big no-no for wolves. Your kind are the most intense beasts when it comes to mates. Kaya paanong nagawa ni Spear na magkaroon ng relasyon sa ‘yo at ni Edka kay Axcel? Hindi ka man lang ba nagtataka?”

Napalunok ako’t natahimik. Pinilit kong maghanap sa utak ko ng palusot na baka maaaring makalusot sa lahat ng tanong niya. Ang kaso’y ang hirap naman kasing sagutin ‘yan, e!

“Ano… malay mo kasi… baka… baka naman talagang walang pagmamahal sa relasyon nina Spear at Edka? Pwede namang mangyari ‘yon, ‘di ba?”

“Hindi,” magkasabayan pang sagot ng magkapatid.

Napakamot ako sa ulo ko. “E hindi ko rin kasi alam ang sagot sa tanong mo. Pwera na lang kung totoo ang mga pinagsasasabi ni Axcel. Na baka nga sila ni Edka ang itinadhana. Baka ‘yong mate ko nasa tabi-tabi pa.”

She's The Rule BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon