Rule Fourteen - Nightmare

19.7K 384 18
                                    

Rule Fourteen
Nightmare

Summer’s POV

Huminto ang pagtibok ng puso ko nang makaamoy ako ng dugo habang papalapit ako ng papalapit sa perimeters ng pack territory. Dumadami ang nasasagap ng pang-amoy ko. Maraming namatay. Maraming dugo ang dumanak.

Maraming buhay ang ibinuwis at kinuha.

And it was my fault. All mine…

Naghanap ako sa kakahuyan. Ilang beses na tumigil ang puso ko sa pagtibok sa bawat patay na taong-lobong madadatnan kong nakahandusay sa lupa. Ramdam na ramdam ko ang pagnanais na makalabas ng lobong namamahay sa loob ko upang hanapin si Axcel. Nag-aalala din siya para sa minamahal niya.

Ang tagal kong naghanap bago ko siya matagpuan. Minsan pa’y kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko. Wari ba’y nauubusan ako ng hangin. Para akong mamamatay.

He was kneeling, naked. Bakas sa balat niya ang ebidensya na galing siya mula sa pagpapalit ng anyo. Iniangat niya ang mapupungay ngunit malungkot niyang mga mata upang balingan ako ng tingin. At nang mga oras na iyon, para akong sinaksak ng paulit-ulit sa puso nang makita kong hilam sa luha ang kanyang mukha.

Tumakbo kaagad ako para puntahan siya. Lumuhod ako sa harapan niya at nagtangka siyang hawakan. Nanginginig ang mga kamay ko nang iangat ko ang mga iyon. Inilapat ko sa balikat niya ang palad ko. Walang sabi-sabing kinabig niya ako upang yakapin ng mahigpit.

Then he wept in my arms nonstop.

“Axcel. Stop crying, it’s okay.” Kahit alam kong hindi na ayos ang lahat. Kahit alam kong hindi na magiging maayos ang lahat.

He held me tightly against him. I felt his hands shaking. Marami siyang pasa sa mukha nang suriin ko siya. Lalong nanakit ang puso ko. I weep for my mate. I weep for Axcel.

“They destroyed me, Revina,” pabulong ngunit dama sa tinig niya ang galit, ang sakit at ang paghihirap na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. “Kinuha nila ang dignidad ko. Binaboy nila ang pagkatao ko!”

I felt the sudden rage in my system. I felt like I wanted to kill. Pero wala na. Ano pang ibang magagawa ko? Tapos na ang lahat. Nagwakas na. “Tama na. No one’s gonna hurt you now. I’m here.”

“H-Hindi mo ako iiwan?” he asked in a small, trembling voice.

Pinilit ko siyang ngitian sa kabila ng sakit na nararamdaman ko bago umiling. “Hindi ako kagaya nila. Hindi kita iiwan.”

Narinig ko na naman ang pag-iyak niya.

How much more can a young man endure after being denied by his pack, banished away from his family, taken away his dignity and worst of them all… being sexually abused by the adult men who belongs to his own home.

It broke my heart to see him ache like this. Noong mga oras na iyon, sinisi ko ang tadhana. Kasama ko dapat siya mula pa man noong una. Kung kasama ko si Axcel mula pa man nang maipanganak siya, hindi mangyayari ang ganito.

Ngunit ang tanging magagawa ko na lamang ngayon ay manatili sa tabi niya habambuhay.

“Axcel… let’s go home.”

“You’re all that I have, Revina,” sabi niya na tila hindi narinig ang sinabi ko. “Please don’t reject me. I may not be perfect, I have a lot of flaws, I’m damaged beyond repair but please… please don’t reject me!”

She's The Rule BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon