Rule Seven - Cold As You

20.7K 430 24
                                    

Rule Seven
Cold As You

Summer’s POV

Focus, Summer. Gotta focus. You can do this. Atta, girl!

Really though… Pinaniniwala ko lang ba ang sarili ko o talagang kaya kong gawin? Argh! I should’ve known. Kailan ba talaga ako madadala? Hindi na ako natuto. Lagi na lang akong inaabutan ng malas kapag ginagamit ko ‘tong pesteng kapangyarihan ko, e! Namaann…

Mommyyyyy! Heeelp!

“Okkkayyyy… you should drop that, honeysuckle. It’s not working.”

Binuksan ko ang isang mata ko. ‘Tapos ‘ayun, nang makita kong nakakunot ang noo niya binuksan ko na ng tuluyan. “Seriously? I’m trying my best here. Can you please shut up?”

Umismid siya. “Really? Alam naman nating dalawa na hindi reversible ang invisible barricade na ginawa mo. Hindi tayo pwedeng umalis dito, Summer. Not unless you pull the barricade up, we run off fast, then you pull it back down. Believe me, wala tayong lusot. Kaya h’wag ka nang magsayang ng pagod d’yan.”

Tinignan ko siya ng matalim. Sinalubong lang niya ang tingin ko ng nang-aasar na pares ng mata. Kainis.

Hookay. Tama naman kasi siya. Hindi kami makakalabas pwera kung pansamantala kong ibababa ang barrier. But I can’t bear to risk the pack’s safety. I promised to keep that barrier on until the hunters are out of their territory.

Paano na kami ngayooon?

“Itigil mo na ‘yan, honeysuckle. Kanina mo pa ginagawa ‘yan.”

Tse!”

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Pinagdikit ko ang dalawang palad ko, trying to picture some remedy in my mind.

Limang oras ko na po itong ginagawa mula pa noong gabing nangyari ang pag-atake ng Sector. Kasalanan ko bang nagkataong nandito kami nang sumugod sila?

Tahimik na sana. Makakapag-focus na sana ako. Ito lang ang problema.

I felt a hand running from my hip down to my waist. Natigilan ako at nakiramdam. Pumaikot na sa bewang ko ang kamay na iyon at niyayakap ako mula sa likuran. Napakunot ako ng noo. Mas naging alarma ako nang maramdaman ko ang pinaghalong lamig at init na humahagod sa may bandang leeg ko. Napadilat ako ng mata.

…only to find Cyrus licking my bare shoulders.

“Ay gago kang sagad!” bulalas ko sa sobrang shock.

“Aaaaaaaaaaaaah!” sigaw niya ng malakas. He doubled over as if in pain. “Aray! Aray, aray, Summer. Hey, hold it! Enough! It hurts.”

Nakalayo ako sa kanya. Napaluhod siya sa sahig.

Tamer niya ako. Or rather, anak ako ng tamer niya. Nasa dugo ko ang pagdidisiplina sa kanya. Hindi ko rin alam kung paano ginagawa pero kagaya nito, kapag tinititigan ko siya ng matalim at iniisip kong masaktan siya, bigla na lang siyang hihiyaw sa sakit.

“Aw! Summer, I’m just making you relax!”

“Relax mo mukha mo. Magpapalusot ka pa, aswang ka.”

“Bampira ako hindi aswang,” at napahiyaw siyang muli. “Enough! Fine, fine, I’m sorry, enough! Masakit na talagaaaa!”

Bumukas bigla ang pintuan sa silid kung nasaan kami ni Cyrus. “Anong nangyayari?”

Napalingon ako. Nagtatakbuhan ang limang werewolf kasama na si Ron ‘tsaka ‘yong Alpha. Napasugod din si Sharen pati si Enie. Iyong isa hindi ko na knows.

She's The Rule BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon