Rule Six - Stuck

20.7K 428 27
                                    

Rule Six
Stuck

Summer’s POV

Tumakbo kami ni Cyrus palabas at sinundan silang lahat. I saw the Beta and his Alpha yelling at their members, telling them what to do, where to go and how to attack.

“This is big trouble,” usal ko sa sarili ko at dahil sa lakas ng senses ng katabi ko ay nadinig din niya.

“Definitely,” Cyrus stated calmly.

Hinarap ko siya with a pair of accusing eyes. “Gago ka kasi talaga, Cyrus. Kasalanan mo ‘to, e. Ang tigas naman kasi n’yang bungo mo!”

“Kasalanan ba’ng maging gwapo?”

“Eh? Gwapo? Saan banda? Wala naman!”

“Dito oh,” sabay duro niya sa mukha niya pagkatapos ay nilislis naman ang pang-itaas na damit at ipinakita ang six pack niyang abdomen at sinabing, “dito gwapo rin,” pagbitaw sa nilislis na damit, akma niyang ibababa ang zipper ng pantalon niya nang nanlalaki ang mga matang agad kong pinigilan ang kamay niya. Ngumiti siya at itinuro ang crotch area niya. “Dito rin gwapo.”

Eesh! “Nakakapangalibot ng balahibo ‘yang ka-manyakan mo, Cyrus! Lumayas ka nga d’yan!”

“Hindi ako manyak. Nagtanong ka kung nasaang banda ang ka-gwapuhan ko. Matitiis ba kitang hindi sagutin, honeysuckle? Sinagot ko lang ang tanong mo.”

“Ewan ko sa ‘yo, letse ka!” inis kong asik sa kanya na tinawanan lang niya.

“Grabe. Hindi ko talaga alam kung saan mo nakukuha ‘yang tapang mo sa pagmumura. Ang lakas, e. Bawas-bawasan mo, Summer. Babae ka pa rin naman kahit sabihin mong mangkukulam ka at kaya mong panindigan ang pagmumura mo.”

Namewang ako at inis na humarap sa kanya. “Correction, sorceress ako at hindi mangkukulam. Malaki ang pagkakaiba no’n sa spelling pa lang!”

“Whatever.”

Inirapan ko na lang si Cyrus. Daglit rin akong napaisip.

I really am a cussing machine for unknown reason. Back when I was young, tinuturuan pa ako noon kung paano umakto ang isang babae. Sa England, bawal ang magaspang. Naaalala ko nga ang Lolo no’n, makita lang niyang may tumulong sabaw o piraso ng tinapay sa hapag-kainan, ipapatapon ka na no’n sa Bermuda Triangle.

Trained akong kumilos ng pino. Next in line din kasi ang byuti ko noon para umupo sa trono ng Wales. Pero ewan ko ba. Lumaki akong bastos at walang galang. Rude and rough. Sobrang taliwas sa inaasahan sa akin ng buong Hamilton clan.

That’s why I’m also dubbed as the rebel princess besides the fact that I’m the Sector’s rule breaker. Pero sobrang tagal na no’n. Hindi pa rin ba maka-move on ang mga madlang utaw sa dating Summer? Hindi na ako ‘yon, e.

I mean come on! I have a Royal blood, yes that’s a fact. But I was conceived magically. I don’t even have any idea where these powers came from. I just learned to use it. Abnormal ako. S’yempre abnormal din ang kilos ko.

“Kids, lock yourself down, don’t open the door, alright? Take three men in, the others scatter your asses around the perimeters!” that was Spear yelling his commands na nagpagising sa akin mula sa pagde-daydream.

Taranta na silang lahat. Ang tanging mga kalmado lang ay ang mga fighters, si Ron at si Spear. Ano ba naman itong ginagawa nila? Seryoso? Lalabanan nila ang Sector? Sawa na ba silang mabuhay at gusto na nilang mag-suicide?

Pabuntong hininga akong lumapit sa kanya. “Alpha, those were hunters outside. They wouldn’t come here unarmed! Kapag lumaban kayo sa kanila, kayo ang mauubos!”

She's The Rule BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon