Chapter 14: CAT-ting Classes

423 21 8
                                    

CHAPTER 14

[Alyanna's POV]

Lumakad na ako papasok ng school. Nakita agad ako ni Kuya Joseph, binati ko naman agad siya. Nakita ko pang kumunot yung noo niya, hindi siguro makapaniwala na maaga akong pumasok. O kaya baka hindi nya ako namukhaan. Kahit naman siguro ako magugulat kasi hindi talaga ako pumapasok ng ganito kaaga. Almost 30 minutes pa bago ang first bell, kaya medyo konti palang ang estudyante.

Ganito pala yung feeling ng mga estudyanteng ang aga aga kung pumasok. Yung parang gusto mo nalang bumalik ulit ng bahay at matulog. Grabe! Nakakayanan nila na gumising ng maaga tapos pagdating ng school napakatagal maghihintay para sa bell na yan. Ano naman kayang ginagawa nila habang naghihintay? Nakatunganga? Nag-aaral? Haay! Ano kayang pwede kong gawin?

Ahh! Alam ko na! Doon na lang muna ako pupunta sa old library sa likod ng elementary building. Doon naman ako lagi napunta nung bago palang ako dito. Masyado na kasing madami ang nagbago sa paaralan na ito. Nung unang pasok ko dito, yung elementary building at yung library sa likod nun ang nakatayo dito. Ngayon tinayuan na ng high school building, at bagong library.

Sabi na nga ba ganito parin yung ambiance dito sa library na ito eh. Masasabi kong mas mapayapa dito kaysa sa bagong library. Hindi man kasing lamig ito nung bagong library, mas tahimik dito atsaka talagang makakasigurado ka na lahat ng nandito nag-aaral. Doon kasi sa bagong library halatang tumatambay lang yung iba para magpalamig, magpalipas ng oras. Pero ang mag-aral? Huwag na asahan.

Kung mapapadpad ka dito, puro yung mga binansagang nerds ang makikita mo. Malamang nag-aaral nga kasi. Sila pala yung mga maaaga talaga kung pumasok para mag-aral. Haay! Bakit ba hindi ko nakagawian ang ganun? Edi sana masipag ako gumising tuwing maaga para mag-aral. Alam kong matalino ako, pero hindi ako kasing sipag nila.

Daldal na naman ako ng daldal. Pupunta muna ako ng Rest room para tingnan ang sarili ko. Feeling ko kasi pagkapasok ko kanina ng library ang daming nakatitig sa akin. Siguro hindi nila ako namumukhaan, o kaya baka nagtataka sila na isang kagaya ko ang pumunta sa ganitong lugar. Nakakapanibago naman kasi talaga.

“Haay! Ang ganda ganda mo Alyanna Ran. Pero ano naman kayang magbabago sa pakikitungo ng tao sa iyo kung naging maayos ang itsura mo?” Pagpuri at pagtatanong ko sa sarili ko. Masaya ako kasi nagkaroon ako ng lakas ng loob na humarap sa ibang tao dahil ganito yung itsura ko. Yung taas noo kang maglalakad kasi feeling mo ang ganda ganda mo talaga. Yung maayos, yung mukhang hindi babatuhin ng anumang pang-aasar.

Masarap sa pakiramdam malaman na kapag humarap ako sa tao na ganito ang ayos, hindi na nila ako aasarin, hindi na nila ako bubullyhin. Pero nakakasigurado ba ako na magtatagal iyon? Sa napapansin ko, kahit yung mga magaganda, yung mga nag-aayos, mas pinag-uusapan. Haay! Ang gulo gulo ng mundo. Walang kasiguraduhan kung ano ang mga susunod na mangyayari. Walang kasiguraduhan kung yung iniisip mo ay yung mangyayari.

Take a Bow (On-Hold)Where stories live. Discover now