Chapter 13: Feeling Good

379 17 6
                                    

CHAPTER 13

[Alyanna's POV]

Haayyy! Ang sarap sarap ng tulog ko. Alam kong maaga pa pero gising na ang diwa ko. Yun nga lang parang ayaw ko pang dumilat at bumangon. Nagpagulong gulong muna ako sa kama dahil ang lambot lambot ng hinihigaan ko, para akong nasa ulap. Ang sarap sa pakiramdam. Pero parang ramdam na ramdam ko na may nakatitig sa aking mga mata. Sinubukan kong idilat ang kaliwang mata ko, ang kanang mata. At tama nga ako sa hinala ko, kanina pa ako pinagmamasdan ng mga magulang ko.

“Hehe! Hi Ma, hi Pa. Good morning.” Binati ko nalang sila kasi alam kong naweweirduhan sila sa ginawa kong pag-gulong gulong sa kama kanina. They are both smiling at me. Yung pakiramdam ko ngayon, hindi ko maipaliwanag. Ang alam ko lang ang saya saya ko.

“Hi sweety! Good morning. Where’s my morning kiss?” Si Papa yun. Ngayon nalang ulit ako nilambing ng ganito ni Papa.

He used to be sweet to me when I was a kid. Daddy’s girl kaya ako. I missed this. So I stood up from the bed and I kissed my father in his cheeks, left and right. He also kissed me on my forehead as a response. Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalambingan ni Papa ng bigla siyang tumigil at ngumuso sa direksyon ni Mama.

“Hahahahaha! Ma! What’s with your face?” Hindi ko na napigilang tumawa pagkakita ko sa itsura ni Mama. Kung kanina pagkadilat ko she’s smiling, ngayon naman nakakunot yung noo niya at parang teary eyed pa.

“I’m jealous. Parang wala ako dito kung maglambingan kayo. Should I deserve a morning kiss too from my baby girl?” Aww. Sweet. Gusto lang din naman pala maglambing. How I wish we’re like this always. Yung walang complications, masaya lang sa piling ng bawat isa. Parang gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata.

“Of course Ma, ikaw pa ba?” Nilapitan ko na si Mama and as promised I kissed her cheeks too, left and right. Nikiss nya din ako sa cheeks ko, and hindi pa dun natatapos she tried to kiss me on the lips pero umiwas na ako.

“Ma! Enough. Hanggang sa cheeks lang. Haha!”

“But why? When you’re a kid kinikiss naman kita sa lips ah. Bakit hindi na pwede ngayon?” She pouted. Para talaga syang bata kung manlambing.

“Ma, ewan! I just don’t feel na ikiss mo ako sa lips. hehe! I’m not a kid anymore. Diba ikaw na nagsabi? Dalaga na ako.”

“But you’re still my baby girl right? So nothing has change.”

“Ma, okay okay I get it. Pero wag na. Please! Kiss nalang ulit kita. Sa cheeks.” I tried my best para maconvince si Mama na wag na i-push yung kiss on the lips. Parang ang awkward kasi, bigla nalang kaming naging ganito kalambing sa isa’t isa.

Take a Bow (On-Hold)Where stories live. Discover now