Chapter 4: The more the crazier

700 28 12
                                    

CHAPTER 4


Haaayy! Hindi ko matiis na nakasubsob lang ako dito sa table ko, kaya eto kahit medyo masakit nakinig nalang ako sa teacher ko na to.


Wala naman akong magagawa dahil kung seryoso ngang teacher ko sya. shete! Matagal tagal kaming magsasama. Kailangan kong tiisin yung sakit, makatagal lang ako sa klase nya.



Habang nakatingin at busy na naghihintay sa kanya na matapos sa attendance checking, may naisip ako.

Uso pala sa mundong to yung mga teacher na mukhang estudyante lang yung dating? Katulad ng ginawa nito ni SIR, he just seated as one of the students but you will never think that he will be your teacher. Kasi nga ang gwapo tapos ang bata bata tingnan. And he’s attitude, it’s weird but at the same time cool.


Napatanong tuloy ako sa sarili ko. Uso din ba yung mga estudyanteng nagkakagusto sa mga teacher? Katulad nitong nararamdaman ko? Normal ba to? Haay! Bakit kasi wala akong pakialam sa nangyayari sa paligid ko, ayan tuloy wala akong alam sa mga ganitong sitwasyon. Eh kung hindi uso, ako nalang magpapasimuno.


Napapukpok nalang ako sa ulo ko with that thought. Kung anu ano na ang pumapasok sa isip ko dahil sa teacher nato. Haay!

Natapos narin sya sa pag-aattendance at parang hindi nya alam kung ano ang susunod nyang gagawin.


Nagtaka naman ako. Seryoso ba to? Teacher daw namin sya pero parang wala syang alam sa ginagawa nya? Hala! Hindi kaya nanloloko lang sya? Baka trip nya lang magpanggap na teacher pero kaklase pala namin talaga sya?



"So Good Morning again class. As I said earlier, I will be your MAPEH teacher and most importantly your class adviser for this year." Sabi ni sir na hindi ko pa rin alam ang pangalan.



Ha? Teacher nga talaga sya pero parang hindi naman. Haay! Sinasabi ko lang siguro to kasi umaasa ako na pwede maging kami. huhu!


"I don't know what we should do today because as you can see, ang konti nyo palang so we can't start formally. What do you want to do now class?"

Yung totoo? Kami tinatanong nya kung anong gustong gawin? Pag yang mga kaklase ko sumagot, baka magsisi sya. I bet hindi nya lang talaga alam ang gagawin nya. Hmp!

Bakit ba ako nagkakaganito? Jusko! Hindi ako makamoved on sa teacher na to. Akala ko pag-ibig na ang aasikasuhin ko ngayong taon, pag-aaral parin pala.


"Sir! Teacher ba talaga kayo?" Tanong ng isa kong kaklase na dinaig pa ang manok sa palong na meron sya.

"Yes! I already said that for how many times already. Paulit ulit lang class? Ano unli?"

Hala!! Kung sumagot sya parang ewan lang. Masisisi nya ba kami kung hindi kami makapaniwala? Tsk.

"Eh bakit ganyan kayo? Parang hindi naman kayo teacher. Wag nyo nga kami niloloko."--tanong pabalik ni Manok.


Take a Bow (On-Hold)Where stories live. Discover now