Chapter 7: What the?

662 26 25
                                    

CHAPTER 7

[Alyanna’s POV]

Nandito na ulit ako sa room. Napahawak ako sa ulo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit feeling ko parang natuyo bigla ang utak ko. Bukod sa hindi na ako nakakain kaninang break dahil pupuntahan ko nga sana si Sir Justin, ilang beses pa akong bumunggo sa kung SINO SINO at kung anu-ano pa ang pinagdaanan ko =___=

*flashback*

I am smiling like an idiot here while walking in the hallway papuntang faculty room when I heard a familiar voice.

At dahil mabait ako na bata at tinuruan ako ng mga magulang ko na hindi tamang nakikinig sa usapan ng may usapan, napadasal nalang ako na sana patawarin ako sa gagawin ko T__T Hindi ko napigilan na mapaatras ng lakad para balikan kung saan yung narinig ko.

Paatras akong naglakad ng dahan dahan para makita ko kung may mga taong paparating. Sobrang ingat na ingat ako sa paghakbang para hindi ako marinig ng kahit sino ng…

*boogsh*

“Ouch! Sh*t!” Ang tanga tanga ko dahil hindi ko na nabantayan yung inaatrasan ko. Ayan, bumunggo ako sa pader kakaatras ko, madulas pala yung sahig kaya napaupo ako at nalaglag tuloy yung mga dala kong libro. Namimilipit pa ako sa sakit ng pang upo ko habang kinukuha yung mga gamit ko.

“Tsk!”

O____O?

Hala! Bakit parang may nagsalita?

“Jusko Lord! Hindi na nga po ako makikinig sa usapan ng may usapan eh. Please po wag nyo po ako takutin.” Napadasal ako agad dahil baka gusto na akong parusahan ni Lord dahil sa binabalak ko. T__T

“Tsk! Weirdo.” O___O

Napalingon ako sa likod ko!

“AAAAHHHHHHH!” I shouted at the top of my lungs nung makita kong may taong nakatayo sa likod ko. Akala ko pader…

“Sh*t!” Bigla nyang tinakpan yung bibig ko at bigla nalang kami pumasok sa isang room. Kung hindi ako nagkakamali isang janitor’s room ang pinasukan namin.

“ASHDFGHJKL! HMPFPF.” Nagpupumilit akong magsalita at nagpupumiglas. Hindi nya parin tinatanggal yung kamay nya sa bibig ko. Nasusuffocate ako, pero ang bango bango nya. Ano ba naman to, hindi ko na nga alam kung ligtas ba ako sa taong to tapos nagawa ko pang pagpantasyahan dahil sa amoy nya.

“QWGSFDXSMC!”

Pinipilit kong alisin yung kamay nya kasi hindi ako makapagsalita ng maayos. Pero naramdaman ko na lalo nyang diniin yung pagkakatakip sa bibig ko. Shocks! Baka mabasa na ng laway ko yung kamay nya.

Bigla syang lumakad syempre nadala nya ako. Sumandal sya sa isang pader at ramdam na ramdam kong nagkadikit na ng sobra yung mga katawan namin. Jusko! He's hot.

Napayuko ako dahil nag-init bigla ang mukha ko. Parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko ng dahil sa lalaking ‘to. Natahimik nalang ako dahil hindi parin mawala wala yung pag-iinit ng mukha ko. This feeling is very new to me. Eto ba yung tinatawag nilang kinikilig?

What the hell? Bakit ako kikiligin sa taong hindi ko kilala? Hindi ko rin masyado nakita kung sino sya dahil naunahan na ako ng takot ng hinarap ko sya kanina.

“Tsk. I’ll release you but please don’t shout. It’s irritating.”

Nagsalita na sya sa wakas. Parang antok na antok yung boses nya. Naramdaman kong lumuluwag na yung pagkakatakip nya sa bibig ko.

Take a Bow (On-Hold)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt