Chapter 10: Just trying

506 16 11
                                    

CHAPTER 10

[Alyanna's POV]

Lutang na lutang akong naglalakad sa pathway papuntang canteen. Ang dami dami kong nakakasalubong, may ibang nababangga na ako pero hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit wala akong nararamdaman. Yung feeling na kahit ang dami daming tao sa paligid ko, parang mag isa parin ako. Haay.

Para akong isang lobo na nalutang sa hangin dahil nadadala lang ako sa agos ng ibang estudyante na naglalakad dito. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapatigil ako malapit sa tapat ng music room. Napahinga ako ng malalim.

Ang balak ko lang talaga ay ang kumain sa canteen. Bakit nga ba hindi ko naisip na malapit sa canteen ang music room? Parang may isang espiritu ang humihila sa akin papuntang music room. Gustong gusto ko ng lumayo dito pero parang may sariling utak ang aking mga paa at nagtuloy tuloy ito sa paglalakad hanggang sa eto, nakatayo na ako sa tapat ng music room.

Bakit ganito? Bakit ganito yung nararamdaman ko ngayon? I thought I already made my mind na kakausapin ko nalang ang klase at kahit anong mangyari hinding hindi talaga ako magpeperform. But what the hell am I doing here in front of the music room? Natatakot ako. Pero yung desire ng puso ko? Ewan ko, magulo.

Tumingin ako sa paligid ko para siguraduhin kung may ibang taong makakakita sa akin kung sakaling pasukin ko ang kwarto na ito. Yung feeling ko ngayon, yung feeling na para akong isang miyembro ng akyat-bahay gang na kailangan pumasok sa isang kwarto na hindi ko dapat pasukan. Yung feeling na isang hakbang mo lang parang may sasaksak sa’yo anytime.

Nagtaka ako bigla kung bakit parang bigla nalang naglaho na parang mga bula ang mga estudyante na kanina lamang ay nagpapakalat kalat sa paligid. Saan sila napunta? Senyales na ba ito upang pumasok ako sa music room? Pero ano naman ang gagawin ko sa loob, napagdesisyunan ko naman ng hindi ako magpeperform? Ahhh!! Nababaliw na naman ako. Ang sakit na ng ulo ko.

Aalis na sana ako at hindi na itutuloy ang binabalak ko kaninang pagpasok sa music room nang biglang may isang batang lalaki ang sumulpot sa harapan ko. Ang cute cute nya, mga nasa limang taon ang batang ito. Pero ang ipinagtataka ko, kanina lang nawala lahat ng mga estudyante tapos ngayon may isang batang sumulpot? Ano ang ibigsabihin nito?

Biglang may iniabot na maliit na papel sa akin yung bata. Pagkatapos ko ito kunin sa kanya tumakbo na lamang sya paalis. Weird. I look at the piece of paper and read what’s written on it. Lalo naman akong nagtaka sa nakasulat:

“Don’t be scared. Take one step at a time to follow what’s in your heart.”

Take a Bow (On-Hold)Where stories live. Discover now