Chapter 26: Wi-Net is back!

357 2 0
                                    

Well, Berday kase nung real life bida bukas, kaya nag update na din, aaraw arawen ko na ulet to. Tutal hinde naman ako mag susummer class :))

“Nagseselos ka ba?”

Ha? Ano? Ako magseselos?  Di hamak naman na mas maganda ako sa kanya! Nagkulang lang talaga ako sa height, tamad lang talaga ako matulog nung bata pa.

“Hindi ah, baket naman? Friends lang naman tayo, at wala akong pakialam kung may nakaraan pa kayo!”

“Eh  baket ka biglang nag walk out while talking to her?”

“Talking to her? Eh ikaw lang naman nakikipag usap dun ee”

Geez. Sobrang immature, di man lang namalayan na na a out of place na ako? Akala  ba niya ako si Reiner? na aso lang niya?

“So nagseselos ka nga!” bigla siyang ngumisi sabay taas ng kamao sa hangin, parang bagong graduate sa UP while singing, sobrang saya niya ata.

“Ugggh, what’s wrong with you ba? Ang abno mo!!! >.<”

“HAHAHA, masaya lang talaga ako, bukod sa naiinis na kita ay naggawa pa kitang pagselosen, ano ka ba, matagal na yung ke Balexi, past is past”

Mas lalong uminit ang ulo ko ng marinig yung pangalan ng babaeng yun, bigla akong naasar, siguro isa na sa factor dun ay naiinis lang talaga ako sa mga taga Cebu, oo Cebuana siya, at may past experience ako sa mga taga doon kaya ayako talaga sa mga kanila.

“Ewan ko sa’yo, Get a Life! May iba ka ng aasaren”  binilisan ko na lakad ko para hindi na niya ako masabayan pa,

Patrick’s POV

“Ewan ko sa’yo, Get a Life! May iba ka ng aasaren” 

sa tonong yun ni Edelle ay halatang selos na selos na siya, assumer na kung assumer pero yun ang nararamdaman  ko, at matagal ko na rin siyang minamanmanan este kilala, kaya alam ko na kung ano mga body language noon.

Tinry kong habulen siya pero bigla niyang binilisan ang lakad niya, hindi ko na talaga siya mahabol.

“Huy Edelle, ano ka ba? Joke lang yun!” pasigaw kong sinabe sa may kinaroroonan niya. Napakalayo na talaga niya, okay siya na talaga ang runner.

Bute nalang may na spot akong bata na naka-bike, mauto nga.

“pre, libre kitang magnum pahiram muna ng bike mo”

Napangite yung bata, solve na! mahahabol ko na si Edelle.

Nang sasakyan ko na yung bike, di ko na pala na tantiya na sobrang liit pala nung bike sa aken, 5’11 pa man din ako, mukha na tuloy akong palaka na naka pose sa may pond, masyadong mataas yung tuhod sa handle. Imagine nin niyo nalang.

Okay, let’s do this!

“Teka, teka kuya, ayoko na palang pahiramin sa’yo yang bike ko! baka naman maggagala ka lang!”

Nako! akala ko naman na uto ko na, hinde pa pala.

“Toy, maawa ka na, makikipag ayos lang ako sa girlfriend ko” Yeah, ino ey yan ko na, para maniwala yung bata. At yung girlfriend na nirerefer ko, syempre si Edelle yun. Kahet hinde totoo.

“Talaga kuya? nako sige habulen mo na! Nakaganyan din kame ng syota ko!”

Napatawa nalang ako, batang bata pa, lumlandi na. Daeg pa ako.

Okay so nauto ko na yung bata. Si Edelle talaga, ang dame ko ng naggawa dun, nag nakaw ng bike, nag uto ng bata at nagsinungaling pa. Siguro may PMS yun, antaray ee.

Wi-Net: A Computer Renter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon