Chapter 18.5: Once We Meet Again

402 4 0
                                    

Patrick's POV

It's been 5 days since I last saw Edelle. Noong una, hindi ko nalang pinansin yun, mas okay na yun.at least wala ng masasaktan, hindi na niya malalaman na sa pustahan nagsimula ang lahat. sa pustahan lang ako nag kalakas ng loob para mapalapit sa kanya. siguro end na nga talaga ito ng pag sasama namen.

siguro, na turn off siya dahil naging sobrang loud ko the other night, sobrang loud na hinde na niya kaya akong makita pa. well, baka nag papakabitter lang ako. eh, basta ewan ko! aalisin ko nalang siya sa isipan ko.

ako pa din ang nagbabantayng wi-net, sa tuwing gabi na nga lang, hindi ko lang talaga macontact si edelle dahil hindi siya nag rereply sa mga text ko, at tuwing nag iintay naman ako sa tapat ng dorm niya, dumudungaw sa mismong room niya ay natatakot naman ako apg may dumungaw na kung sino sa may bintana nila. baka si edelle na kase yun, ewan ko lang.

dumating ang gabi at ako na ang natoka sa pag babantay sa wi-net, sa pagpasok ko palang ng wi net, may isang tao na hinde ko inaasahan ang maparoroon.

oo tama

si edelle nga ang nandoon,

nakapambahay lang siya ngunit kitang kita pa din ang kasimplehan ng kanyang ganda. nakatuon lang siya sa monitor at naka head set pa. nag tetetris battle ata, lage nga siyang nakasimangot sa tuwing makno konck out ng kalaban. napapasigaw naman pag nanananalp na. sa loob loob ko, napapangiti na lang ako, ibang klase talaga siya.

"prer, out ka na, ako na magbabantay nitong shop" sabe ko

"okay sige, gutom na din ako ee, may date pa kame"

hindi ko na inalam kung sino yun, alam kong ibang babae na naman yun. mahirap na, baka kinabukasan si edelle na pinpormahan niya, at pag dumating yun, hindi ko na makakaya.

1 hour na ang nakalipas at hindi pa din siya nag o out, iniintay ko na sana na mag out para ma asar ko na siya, i mean makausap pala, yun nalang ang mabilis na way para magka daupang palad ulit kame, by the oldest method of mga torpeng men, ang inisin ang babae.

pero nagulat ako at hindi pa din siya nag oout, patuloy pa din siyang nagtetetris, lage niyang sinasabeng

"last na ito!"

pero patuloy pa fin siyang naglalaro ng tetris.

2 hours na, atwala pa din. kasama niya ata ang friend niyang si bec, lea at denise. yung una ay ka org niya ata, yung isa namumukhaan ko, may crush ata yun sa akin at panay ng tingen habang nagbabantay ako, lage pang sinasabeng sira daw ang computer niya at lageng nag shushutdown. at syempre si denise, yung roommate niya na nakita kong pasilip silip sa bintana nila kaya agad agad akong nagtago sa may pader ng wi-net.

yung pader na lageng iniihian ng mga tambay, ang baho tuloy.

"huy lea,tetris tayo :( kahet magrereview pa ako, haha"

pinipilit ni edelle na mag tetris yung mga kasama niya, 

ang ingay nung tatlo sa wi-net,nakakatuwang pagmasdan yung tatlo na naglalaban sa 6p. sa kada knock out kase ay nag iingay, mas lalo ko tuloy nagustuhan ang personality ni edelle.

after another hour ay nag out na yung tatlo, nauna si lea na malagkit ang pagkakatitig sa akin, sunod naman si be na sinabayan ni denise, hinde pa din nag a out si edelle,

"edelle mag out ka na!" batid ni lea

lumingon si edelle at sinabi sa mga kasama

"Wait ten minutes nalang at damang dama ko pa itong tetris" 

sabay lingon sa may counter, syempre ay nandoon ako

"kuya, pa exte..." medyo nagulat siya ng makita ako at hindi na naituloy ang sasabihin.

"oy ano edelle? maglalaro ka pa ba? una na kame!"

"teka mag oout na din ako"

"ibigay mo nga ito kay KUYA"

ano? kuya? hindi ba niya ako kilala? hello? parang nung isang araw lang nakulong kame dito. kinausap ko na siya

"hoy panget! bakit hindi ka nagrereply sa mga tawag ko?"

"busy" yun yung sinabi niya, wala man lang kaexpre expression yung mukha niya at hindi man lang tumitingen sa akin.

"lika na kayo, inaantok na ako" bigla na lang tumamlay ang aura ni edelle, animo'y namatayan ng aso. syempre, yung aso niyang si reiner.

umalis siya sa wi-net ng hindi man lang ako tinitignan, galit  ba siya sa akin? iniiwasan ba niya ako? may nagawa ba akong masama? o di kaya alam na niya yung pustahan?

anong gagawin ko? tatahimik nalang ba ako o aaminin ko na itong nararamdamang kong matagal na?

Wi-Net: A Computer Renter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon