Chapter 21:

387 0 1
                                    

Dali dali akong nagpuntang Wi-Net, hindi ko na naisip kung sino ang nagbabantay don or whatsoever. Bahala na si Batman kong sinong nandoon. I have to retrieve my cellphone. I must, ang mahal kaya non.

Pagbukas ko pa lang ng Wi-Net ay tumambad agad sa aking ang mga kalalakihan na nag dodota. Ang ingay that night, sobrang gabi na kasi.

Well, namukaan ko na agad ang likod ni Patrick, payat kase pero matangkad. Naka sando lang siya that time.

"Uhm, pwede ko na bang maretrieve yung phone ko?"

Sobrang lakas ata ng boses ko, pati yung isang nagdodota na ka year ko, Si Dabee Vicente ay napatingen. Nakiki issue siguro sa magiging usapan namen ni Patrick.

"Yes?" lumingon na siya sa harapan ko, medyo nagulat pa ata ng ako ang nadatnan. Nagkatinginan kame, ewan ko kung anong gagawin ko. Mga 5 seconds ata iyon.

Iniba ko nalang ang direksyong ng patingen ko, at inulit ang sinabe ko.

"Ang sabe ko, yung naiwan kong cellphone dito pakibalik na!" sumigaw na ako, ewan ko ba nag init kaagad ang ulo ko.

"Bakit ba ganyan ka?"

"Anong ganyan?"

"Ang lamig lamig mo sa akin"

"Ha? Eh gusto ko lang naman kunin yung cellphone ko!"

"Galit ka ba?"

"At saan naman ako magagalit?"

"Para kase kinalimutan mo na akong parang bula!"

"Akin na kase yung CELLPHONE ko!!!"

BOOM! Nalaglag sa upuan si Dabee the renter, masyado na sigurong nakikinig sa usapan namen, nabaling tuloy ang lahat ng tingin ng mga renter sa kanya, imbes na sa amin.

Inginore lang namin yun, at patuloy na uminit ang ulo ko sa di alam na dahilan. Paano ko pa siya makikita? Kung higit na sa pagkakaibigan ang tingen ko sa kanya

"BAKIT MO BA KASE AKO INIIWASAN?"

"Eh kase nakakaines ka! Simpleng pagbalik lang ng cellphone di pa magawa!

"PWEDE BA EDELLE, PLEASE TELL ME THE TRUTH!"

"Basta!

"Edelle!"

Kinulit pa niya ako hanggang sa mag alisan na yung mga renter, ang ingay na kase namen. Pero nandoon pa rin si Dabee. May pagka chismoso ring taglay yung lalakeng yun.

"Ano ba Edelle!"

Naguguluhan na ako, sabihin ko na kaya sa kanya ang totoo? Ang totoo kong nararamdaman na medyo crush ko na siya? Crush lang namen e.

"Pinahihirapan mo na ako, ilang linggo na rin kitang hindi nakakusap ng matino o kaya naman ay nakikita. Natatakot ka ba ha?"

Teka, ako takot? No. "At saan naman?" God, sasabihin ko na talaga at ng matapos na to.

"Gusto kita!"

Ano teka? gusto niya ako? totoo ba ito?

"Ha, ANO?Gusto mo ako?"

"...gusto kitang makilala ng lubusan" palusot ni Patrick.

Napatawa nalang ako sa kanya. Noong una'y seryoso pa si Patrick pero di rin nagtagal ay tumawa na kami pareho.

Hindi ko pala maiiwasan na makasama siya palagi. At nito pa na nagconfess siya, na gusto niya pa akong makilala ay napangiti nalang ako. Ewan ko ba, hahayaan ko nalang ba ang sarili ko na mahulog sa kanya? Bahala na.

At sa gabing din iyon, bumalik yung sigla ng chemistry namin, Asaran, pero sa huli we're still the same. Gusto niya ako makilala ee. HAHA.

Wi-Net: A Computer Renter Love StoryWhere stories live. Discover now