Chapter 6: Long Wait is Over

421 3 1
                                    

November 2010

Isang buwan matapos kung unang makita si Edelle, akala ko nakalimutan ko na siya. Pero mismong utak ko na ang nagsasabi na hindi pa pala.

After kong makabalik ng LB ay diretso na agad ako sa Wi-Net, kahit hindi naman nag aaya ang barkada, dahil medyo busy nga, start na kase ng second semester. Pate nga yung kuya na nagbabantay napaghahalataan na ako, pa minsan minsan nagtatanung na siya

"Patrick nandito ka na naman?"

o kaya naman,

"Pat, bakit di mo kasama barkada mo?"

at ang malala

"Patrick, nakadrugs ka ba?"

Ano daw? nakadrugs? bakit naman yun pa? Pag ba laging nag rerent sa Wi-Net naka drugs na? Di ba pwedeng may tyetyempuhan munang babae? Pero syempre hindi ko nalang sinagot si kuya. Shy type ako sa Wi-Net pag wala ang barkada ko e. Smile nalang ang nagawa ko sa kanya.

Bago matapos ang November, sa hindi sinasadyang pagkakataon at sa hindi sinasadyang oras, (mga 12:00 am nadin kase yun) Tyempo na may laro ang barkada, nakita ko na naman siya. 

Lumabas ako sandali para magpahangin. masyado na kasing intense yung laban, de joke, masyado  silang maingay at medyo nabibinge na ako.

At yun na naman siya, naglalakad mag-isa, ang dami niyang bitbit na kung ano-ano props ata na hindi ko alam. Awang awa ako sa kanya, gusto ko siyang tulungan kase hindi ko magawa. Parang yung nararamdaman ko lang last month, natakot na naman ang bida dito.

nagplay na naman sa utak ko yung Isn't she Lovely, at dahil doon, nagkaroon ako ng lakas ng loob para harapin siya, para tulungan ko siya sa mga gamit niya. Para malaman niya na I exist pala. Mag the the moves na sana ako.

Kinakabahan ako papalit sa kanya, kailangan kong bilisan ang lakad ko kung hindi ay makakapasok na siya sa gate ng dorm niya. baka makawala pa.

Malapit na ako, halos isang dipa nalang at nandoon na ako. . .

"Patrick, Lika na, nagload na yung next game naten" Crap! bakit ngayon pa? kung kailan naglakas loob na akong lumapit kay Edelle. 

Napabuntong hininga nalang ako, sayang yung pagkakataong yun. Pinalampas ko pa. mag iipon na naman ako ng lakas ng loob para makaharap na naman siya. Ano namang gagawin ko para mapansin niya ako? Siguro kailangan ko nalang pigilan itong damdadamin ko ng ito, Ni hindi nga niya ako kilala e.

Bumalik na ako sa Wi-Net, at naglaro nalang kami ng barkada ko, hanggang sa nag umaga na naman. The Best na naman ang game namen sobrang Legendary! Tuwang tuwa na naman ako, at ng nagloload pa naman ang game namin, naisipan kong mag log in muna sa facebook. Baka sakaling sa facebook ko siya makita.

at presto!

Ma. Edelle Lyn Balatibat agad ang hinanap ko. 

Buti nalang at public ang ilan niyang photos kaya na stalk ko kaagad, nalaman ko rin kung taga saan siya, at kung ilan sila sa pamilya. Nalaman ko rin na Class Valedictorian siya sa kanilang batch, at sa kasalukuyan ay Freshman palang siya. Nakita ko kase na may album siya na "Freshmen" ang title, at kaka upload lang.

Napapangiti ako sa mga wacky pictures niya, halatang medyo kalog siya at hindi particular sa pag papaganda, natural lang talaga siyang maganda.

"WOO! Pat ano yan? Babae pre?" sabi nung katabi ko, si Prer.

Ngiti lang ang sinagot ko.

"Mukhang maganda! Bakit ayaw mong i add?"

"Ayoko, hindi naman ako kilala nito Prer e"

"Sus!" at biglang inagaw ni Prer yung mouse at kinlick ang Add as Friend. Hindi ko alam kung bakit naging sensitive ako at bigla akong nataranta ng inadd ko si Edelle.

"Prer!" sinigawan ko yung katabi ko.

"Dude chill, inadd mo lang siya"

Dahil ayoko ng lumaki yung gulo, hindi ko nalang siya inimik. Iniisip ko pa din kung ano ang magiging hatol niya sa facebook request ko.

Kung

Confirm ba? :)

Ignore? :(

Hanggang pag-uwi ko sa bahay iniisip ko pa din yun. Sa byahe. Maya't maya ako mag oonline sa computer maging sa cellpone para malaman ko if inaccept niya ba ako.

Pero nag daan ang pasko at bagong taon, walang confirmation na naganap. Naging malamig ang holidays ko.

The Long wait is over, OO Tama na Patrick, wala kang pag-asa.

Wi-Net: A Computer Renter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon