Chapter 5: Isn't She Lovely?

423 2 5
                                    

October  2010: Patrick's Narration

7 a.m, wasted ako, Paano ba naman? magdamag na akong nag Dodota kasama ang barkada. Syempre, saan pa ba? kundi sa Wi-Net. Kunsabagay, reward ko na din yun sa sarili ko dahil tapos na ang mga Long Exams this sem, tapos na ang Hell Week.

Hindi naman sa pagmamayabang, kahit papetiks petiks lang ako sa pag-aaral, consistent na College Scholar pa din ako, kumbaga medyo nabibilang sa Dean's List. Ewan ko ba, mabait lang siguro si Lord at binayayan ako ng ganitong talent. (Lord, Thank You HAHA)

Sabagay paborito ko naman ang Math e, kaya naman Civil Engineering ang kinuha ko.Naging praktikal na din ako, for sure after Graduation at after kong mapasa ang Civil Eng Licensure Exam, tiyak na makakapagtrabaho na ako.

Second year na nga pala ako this sem, at dalawang taon ko na din kasama ang mga barkada ko, iba-iba kami ng course pero lahat sa College of Engineering lang, kaya pare-parehas kami ng pinagdadaanan.

"Kuya J.A, out na ako"

"Pre, bat naman? 12 hours palang tayo ah, kala ko ba 18 hours straight ngayon?" 

"Yun na nga e, hindi ko na kaya, bahala na kayo diyan, tutulog na ako"

"Pre naman, ngayon palang nagsisimula ang laban o"

"Eh, bahala kayo, basta ako uuwe na"

"Oh sige, bahala ka. You'll miss the fun!"

Dumagdag pa yung isang barkada ko. "At saka 'Rick, ngayon palang magdadatingan yung mga chicks na mag rerent, hindi ka makakascore niyan"

Sabay tawananan ang buong barkada. Halos lahat kase sila ay may mga girlfriend na, ako naman ay ayoko pa. Paano ba naman ako makakapag girlfriend kung mismong mga barkada ko e pinaglalaruan lang sila? Mga bata pa nga kung mag-isip, Hinahayaan ko na nga lang e, sino ba naman ako para maki alam sa relasyon nila?

"sukli mo Patrick"

Bago pa ako makapag-isip kung itutuloy ko pa ba ang pag dodota ay binigay na ni Kuya JA ang sukli ko. 

Yes, freedom! makakatulog na din ako, biruin mo nakaya namen yung 12 hours straight? Nagpa alam muna ako sa barkada ko bago lumabas ng Wi-Net. 

Pagkalabas ko ng Wi-Net, may di inaasahang nangyari.

"Edelle! bilisan mo nga! baka iwan na tayo ng barko"

Ang lakas ng pagkakasigaw nung babae, halatang kanina pa nag-iintay sa labas ng dorm.

"Edelle!" sumigaw ulit siya.

"Oo teka lang, pababa na ako!" sagot ata nong Edelle?

"Maria Edelle Lyn Balatibat! Pang-ilang tawag ko na sa iyo ne!"

"Oo! nandyan na! pababa na!"Saad pa noong Edelle,

Na curious ako kung sino ba si Edelle, at kung bakit ang tagal niyang bumaba sa dorm. May dalang maleta yung tumatawag sa kanya, siguradong pauwe na sila sa kanilang probinsya. Tapos na kase ang first sem e, at narinig ko pa, barko ang pupuntahan nila. Siguradong malayo dito sa Campus namin. Malamang.

Inintay ko siya, after 5 minutes sumigaw na naman yung kasama niya

"Edelle! iiwan na kita diyan!" malat na ang boses ni Ate.

"Ayan na po Erin"  at unti unting bumaba si Edelle sa room niya.

Biglang nagplay sa utak ko yung kanta ni Stevie Wonders:

Isn't she lovely 

Isn't she wonderfull 

Isn't she precious 

Less than one minute old 

I never thought through love we'd be 

Making one as lovely as she 

But isn't she lovely made from love 

Ang ganda niya habang pababa ng hagdan, kahit mukhang irita na dahil sa dami ng bitbit na dala ay napakaganda pa din niya. Makinis, bilugan ang mata, may kulay yung buhok niya pero bagay na bagay sa kanya. Medyo mahangin pa nung time na yun, may effect effect pa tuloy na humahangin yung buhok niya, HAAY. Ang ganda talaga niya. Perfect na sana kaso,

bigla siyang,

napadulas sa gitna ng hagdanan pababa sa dorm niya. Nawala yung poise niya, lumabas tuloy yung pagkataklesa niya.

"Ouch, Erin! tulungan mo ko, parang awa mo na! mukhang nasaktan siya ng husto.

Dali dali namang tinulungan nung babae si Edelle, gusto ko sanang tulungan kaso baka naman akalain stalker ako. Wala akong masabe, nung madulas siya mas lalo pa akong nacutean sa kanya, para bang kung anong magic meron siya.

May dumaan pang tricycle na malakas magpatugtog ng radyo, at ang cool dun, pinapatugtog pa yung "Isn't she lovely" natawa nalang talaga ako.

"Ayan ang clumsy mo kase" sagot nung babae

"Sorry ha, bilisan nalang natin, maiiwan na tayo ng barko! Ayokong lumangoy papuntang Mindoro" sabi ni Edelle.

Balak ko sanang tulungan siya sa mga dala niya, kaso natakot ako. Na torpe, ang ganda ganda niya, mukha nga lang mataray. Baka mapahiya pa ako. Saka nasa loob lang ng Wi-Net ang barkada ko, baka kung anong isipin nila.

Pinanuod ko nalang silang umalis at sumakay ng jeep, wala akong nagawa. Nagalit ako sa sarili ko, ang torpe torpe ko >.<

Pinalipas ko nalang yung araw na yun, sana makalimutan ko nalang siya.

Wi-Net: A Computer Renter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon