Chapter 12: His Private Stuffs

398 2 0
                                    

Saturday 10 am, Manggahan Boys  Dorm

Syempre inagahan ko na ang pagpunta, ayoko ng maulit yung last time. Medyo nag aalala pa kasi ako noon, baka kung ano naman ang gawin niya.

Shoot! Bakit ako nag shorts ngayon? at nag tank top pa ako, grabe. Maling mali ang timing. Sa dorm nga pala ako niya pupunta. Baka kung ano nga palang gawin nun sa akin. Pag pray ko nalang na sana walang mangyari.

Nakasakay pa ako sa bike that time. Isasama ko sana si Reiner sa bike ko, kase may basket naman kaso naalala ko,  makikipagmeet ako kay Patrick. Baka kung ano na namang out of this world ang gawin niya. Napaka unpredictable kase niya. Masyadong misteryoso.

Ayan,sa wakas nandito na ako sa dorm niya. Pang ring ko ng door bell ay bumungad agad sa akin ang naka towel lang na lalake! Nanlaki talaga ang mata ko, siguro kakaligo lang niya, dahil na aktuhan niya ako na nakatingen sa kanya, Nagsisisigaw nalang ako habang pikit ang mata ko. Nag sorry naman siya kaagad at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto niya.

Pumasok na ako sa loob. Lobby palang yun ng dorm. Umupo ako sa may sofa. Ayaw ko naman siyang itext dahil baka mag assume  siya na head over heels ako sa kanya. Nagtanong na lang ako sa  mga lalabas ng kwarto kung  anong room ba ni Patrick. 

Laking gulat ko na yung boy na naka towel lang kanina ang lumabas sa kwarto niya. Nakabihis na siya. Medyo gwapo naman. Kinapalan ko na ang mukha ko.

"Uhm, alam mo ba kung saang ang room ni Patrick?"

"Ayun, sa room 203" ngumiti lang siya. At ang gwapo ng ngiti niya.

Well back to reality, pumunta agad ako sa room niya. Hindi na ako nakapag thank you kay kuya, ayos na yun, gusto ko na aksing matapos ito. GRRH. Sana bumilis ang oras, gusto ko ng matapos itong two miserable weeks ko. 

Kumatok na ako sa pinto niya, sinigaw sigaw ko pa ang pangalan niya, ang tagal kasing magbukas. Alam ko na namang binubuwisit niya naman ako. Sa pang nth kong sigaw:

"Patrick!"

Binuksan na niya ang pinto niya, sosyal. isa lang ang kama, meaning mag isa lang siya sa kwarto. O kung hindi man ay nag sheshare sila ng roommate niya. Nah, sana wag, mapagkakamalan silang bromance.

Pagkatingin ko sa kanya, hindi siya maangas ngayon, nakapambahay lang kase, with his jersey shorts at medyo pakupas na na shirt. Mukha pa rin namang presentable, nag iba nga lang ang tingen ko sa kanya.  Ito pala ang Patrick na homy, mas maamo tignan.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" nagtaray na naman ako.

"Kailangan ko kase ng serbisyo mo"

HA? ano serbisyo? O My God, ayoko ng PMS! My God. Hindi ito pwede! Tatakbo na dapat ako sa labas ng biglang nagsabi siya ng

"Pumasok ka muna"

Ako naman tong si tanga, pumasok kaagad. Para bang may magnet na kung anong humila sa akin papasok sa kwarto niya. 

"Handa ka na ba?"

Unti unti bumilis ang tibok ng puso ko, Lord wag ngayon! marami pa akong pangarap, baka after nito, hindi na siya magpakita sa akin! ayako ng ganito, hindi ako ganitong babae, tama na.

Pumunta si Patrick papalapit sa akin, hinawakan niya ang braso ko,

"Edelle"

Gosh ngayon lang niya ako tinawag sa pangalan ko, parang alam ko na ang mangyayare. NOOOOO!

Napasigaw na ako

"Patrick bitiwan mo ako! Hindi ako easy to get" sinabi ko na ang dapat sabihen ng biglang tumawa na naman siya

"Ano ka ba? Paglilinisin lang naman kita nitong kwarto ko!"

Ha? Ano daw? paglilinisin? at yun lang talaga ang ipinunta ko dito? Para linisin lang tong kwarto niya? @.@ Wasabe ako.

"Ha? So Pinapunta mo lang ako dito para paglinisin?" nanginginig na sagot ako.

"Oo naman, ano bang ineexpect mo?"

"Ha? Eh wala"

"Oh sige , siya, Papunta pa akong Wi-Net, may laban ang barkada, tournament kaya gabi na ako makakauwe"

dinagdagan pa niya ng,

"Subukan mo lang may mabasag diyan lagot ka sa akin!" Sabay sara na ng pinto. Sa isang click lang ay nawala siyang parang bula. Iniwan niya ako, at sa mismong kwarto pa niya.

Medyo maayos naman yung kwarto niya. konting linis lang at okay na.

Nagulat lang ako sa collections ng magazine niya, at natawa nalang ako

Oops! Hindi men's magazine

Kundi K-Zone!

No wonder hanggang ngayon ay napaka stubborn pa din niya. As I flip through the pages, may nakasingit pa na family picture niya.

Kasama niya ang kanyang Daddy, Mmmy at yung little sister na. Napakacute nilang dalawa. Dati pa kasi yung picture na yun, and it was taken at the zoo. Sa picture ay masyadong mahigpit ang pagkakayakap ni Patrick sa sister niya at halos masakal na. Yung sister naman niya ay yamot ang itsura. Nakakatuwa lang talaga.

Hapon na ng matapos ko ang paglilinis, Nag lampaso pa kasi ang beauty niyo. Nang papaalis na ako ay  bilglang dating ni Patrick. Akala ko gabi pa siya darating? at bakit nandito na agad siya? halatang namumutla pa, ano kayang nangyare?

Wi-Net: A Computer Renter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon