Chapter 65: Keleg Mats! :'"'>

2.3K 37 18
                                    

GRETCH'S POV

"Bakit pala nandito ka?" sabay bitaw sa pagkakayakap sakin.

"Ahh..so ayaw mong nandito ako. Sige, alis na nga ako" sabay lakad palayo

Hinila niya ulit ako at niyakap ng mahigpit kaya niyakap ko na rin siya:)

"Babe naman eh..Bat dimo sinabing pupunta ka?" sabay tingin sakin

"Kasi alam ko pag sinabi ko sayo, pipigilan mo lang ako. Kaya di ko na sinabi sayo" sabi ko habang hawak yung dalawa niyang kamay.

"Kainis ka..namiss kita!" sabay yakap ulit ng mahigpit sakin

"Mas namiss kita" sabi ko

Tumingin ulit ako ng seryoso sa kanya at tinanggal yung shades niya.

"Bakit?" tanong niya

"Wala lang..ang cute mo pala pag kaka-iyak mo lang?" sabi ko

"Ah..so pag kaka-iyak ko lang? Edi araw araw nalang akong iiyak" sabi niya

Sinuot ko ulit sa kanya yung shades niya.

"Wag naman..ayaw ko naman non ah" sabi ko

"Bakit naman?" sabi niya

"Pag kasi nakikita kitang umiiyak. Nanghihina ako" sabi ko

Ngumiti lang siya at niyakap ako. Kinilig eh:)

"I Love You Babe" bulong niya

"I Love You More Babe"

--

After ko siyang i-surprise sa sementeryo. Umuwi na kami sa kanila. Sabi niya sakin na bukas pa daw yung flight nila back to Manila. So sakto lang pala yung ticket na binili ko.:)

Pagdating namin sa bahay nila, nadatnan namin sina Tita na kumakain na.

"Gretch?!" gulat na sabi ni Tita habang kumakain:)

"Hi Po" masigla kong sagot

Tumayo siya at lumapit sakin at bumeso

"Kailan ka pa nandito iha?" sabi niya

"Kaninang umaga lang po ako dumating" sabi ko

"Ah ganun bha..oh sige, hali na kayo at kumain na kayo" sabi ni Tita

Dumeritso na kami ni Fille sa lamesa para saluhan sila Tita.

"Musta na Brad?" masiglang bati sakin ni Frowee

"Okey lang naman.." sabi ko

"Anong oras ka umalis ng Manila iha" sabi ni Tito

"Uhm..8:00 po ng umaga" sagot ko

"Ahh..pasensya kana at kina-ilangan mo pang puntahan si Fille dito ha" sabi ni Tito

"Naku..wala po yun Tito. Alam ko po kasi na kailangan niya ng mayayakap at tagapunas ng luha niya" sabi ko

"Kaya hindi nagkamali si Fille sa pagpili sayo eh" sabi ni Tito

Napangiti naman ako sa sinabi ni Tito.

"Bukas ka rin ba uuwi iha?" sabi ni Tita

"Uhm..opo, free day ko po eh" sagot ko

"Ah..buti naman..kasi for sure. Iiyak nanaman yang si Fille mamayang gabi. Atleast alam namin na may yayakapan siya at may magpapatahan sa kanya" sabi ni Tita habang nakangiti:)

She's The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon