Chapter8: Sweet!;)

4.7K 52 1
                                    

--------->Passforward

Halos may 1 week na rin kami sa dorm. At ngayon na start ng trainings namin. 4:00AM kami gumigising for training then yung iba may pasok pa ng hapon..ngayon ko lang narerealize na ganito ba kadugo ang student-athlete?..

Nandito kami ngayon sa Gym. Quarter to 4 na wala pa si coach. Kaya heto kami ngayon nga nga sa paghihintay kay coach.

Dahil nakakaboring maghintay, naglaro na lang ako sa phone ko. Tapos may umupo sa tabi ko, ang akala ko si Dzi, kaya hindi ko pinansin.

Tapos bigla siyang nagsalita

O.O

Kala ko si Dzi, Si Fille pala. Kaya nagulat ako

"Oy! Greta, turuan mo nga akong magbasketball!" sabi niya

"Ha?! ako!?" tanong ko naman

"Oo..sabi kasi nina Dzi marunong ka daw eh" sabi niya tapos tinuro niya sina Dzi at Jem

Tinignan ko naman si Dzi at Jem..naka ngiting aso sila..Talaga tong mga toh!

Tapos tinapik ako ni Fille kaya biglang akong napatingin sa kanya 

"Hoy! sige na ah?!" sabi niya

Dahil nakakahiya naman kung tatang gihan ko siya. Pumayag na ako. Buti na lang may bola ng basketball don. Kaya pumunta na kami sa court.

Tapos inabot ko yung bola sa kanya

" Try mo munang mag shoot" sabi ko

"Hindi nga ako marunong diba?" sagot niya

"Try mo lang naman diba" sabi ko

Tapos yung nag shoot siya..hayyyy..di ko alam kong kumain ba toh kanina..hindi man lang tumama sa ring..tsk..tsk..tsk

Kinuha ko ulit yung bola tapos inabot ko sa kanya..

"Dapat kasi lakasan mo para naman umabot sa ring" sabi ko

"Pano ba kasi?" tanong niya

Kailangan ko pa bang e Demo ito??..naku naman..edi pag tinuruan ko siya..kailangan ko pang hawakan yung kamay niya..diba parang nakakahiya yun..-_-

Tapos biglang sumigaw si Dzi.

"Turuan mo kasi siyang humawak ng bola" sabi niya

Nabasa ba niya ba yung nasa isip ko..hehe..

"Turuan mo na ako ah" sabi ni Fille

"Pagtinuruan kita kailangan kong hawakan yung kamay mo" sabi ko

"Syempre naman noh..alangan naman sa yung paa ko yung hahawakan mo diba" sabi niya

Medjo nabasag ako don sa sagot niya..hehe..

"So,tuturuan mo na ako?" tanong niya

"Ok Game!" sabi ko

Tapos yun pinulot ko na yung bola then nilagay ko sa kamay niya. Then inayos ko na yung kamay niya sa bola. Tapos yun...yun nakahawak na ako sa kamay niya..ang hirap mag concentrate..hehe..

"Tapos pano i sho-shoot?" tanong niya

Edi tinuruan ko rin siya..para na akong naka backhug sa kanya..

"Ayiiiieeeehh!!..ang sweet!" sigaw ni Dzi..

Pero diko siya pinansin

Tapos yung unang shoot niya..okey naman kasi na shoot.

"Oh, ayun..nashoot!" sabi ko

"Yey!!..ang galing!" sabi niya

"Oh, ikaw naman..yung ikaw lang mag-isa." sabi ko tapos inabot ko yung bola sa kanya..

"Ok..sige!" sabi niya tapos kinuha niya yung bola

Tapos tinignan ko lang siya kung papaano niya esho-shoot yung bola....tapos..

Hindi na shoot...kaya napatawa ako..

Tapos tinignan niya ako ng masama..

"Bakit ka tumatawa!" sabi niya..mukang galit

"Haha..wala..wala!" sabi ko

Tapos hindi niya ako pinansin..nagalit nga.. naglakad niya at umupo na lang siya sa bench..kaya bumalik sa rin ako sa bench pero don kina Dzi..si Fille naman don kina Alyssa..

Tapos dumating na si coach kaya nag start na yun training..Hindi parin ako pinapansin ni Fille..Shizzz..galit nga talaga toh..

After 2 hours na training natapos din kamin..nagsimula yung training hanggang matapos hindi parin ako pinapansin ni Fille..Ano ba yan -____-

Nagbihis na kami kasi yung iba may pasok pa sila..nahuli kami ni Fille ang nahuli na magbihis kasi kami yung nag ayos ng mga bola. Kaya dalawa na lang kaming nasa CR.

Saktong nagsabay kaming lumabas sa cubicle. Tapos nahugas siya ng kamay. Ako naman hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.

Tapos nung natapos na siyang maghugas. Lalabas na siya..nung malapit na siya sa pinto ng CR..

Hindi ko na napigilan kaya hinawakan ko na yung kamay niya..

"Fille...sorry na" sabi ko habang hawak ko yung kamay niya

Hindi siya sumagot, nakatingin lang siya sa sahig.

"Fille...please" sabi ko

Tapos tumingin siya sakin..pero hindi parin siya sumasagot.

"Fille...sorry na..hindi ko naman sinasadya eh." sabi ko

Bumitaw siya sa hawak ko

"Bakit ka kasi tumawa!" sabi niya

"Eh..kasi..ano..sorry talaga" sabi ko

"Nakakainis ka!" sabi niya tapos tuluyan na siyang lumabas ng CR.

Pero hinabol ko siya..hanggang makarating kami sa gitna ng Court.

Hanggang nahawakan ko ulit yung kamay niya

"Fille..please naman oh..sorry na" sabi ko

"Nakakainis ka kasi eh" sagot ko

"Kaya nga ako nagsosorry diba?..Sorry na please" sabi ko

"Sige..sa isang kondisyon!" sabi niya

"Ano yun?" sabi ko

"libre mo ako!" sabi niya

"deal..sus dali lang niyan" sabi ko

"yabang!" sabi niya

Kaya ayun umalis na kami at nag date sa labas...ay..mali..kumain lang pala kami...hehehe..

Vote. Love. Vote. Love 

#OUCH

She's The OneWhere stories live. Discover now