Chapter 47: Surprise!

3.2K 26 0
                                    

GRETCH'S POV

TOUCH DOWN MANILA!

After a few hours, nakauwi narin kami sa Manila. Kanina nung nasa Airport pa kami ng Boracay nakangiti ako, hanggang ngayon ba naman na nasa Manila na kami. Wala akong gustong gawin ngayon kung di ang makasama siya ng buong magdamag.

--

"Uwi ka sa inyo??" tanong ko

"Uhm..Oo eh" sabi niya

"Ganun bha" sabi ko

"Oh bakit??" sabi niya habang nakahawak sa pisngi ko

"Wala lang..gusto sana kitang makasama ngayon gabi eh" sabi ko

"Sige..bukas na lang ako uuwi..gusto rin kitang makasama ngayon gabi eh" sabi niya

"No its okey..bukas na lang..baka gusto karin nilang makasama ngayon eh" sabi ko

"Sure ka..pwede naman akong mag stay tonight eh" sabi niya

"Hindi..sige na..okey lang..hatid na lang kita" sabi ko

"Hmp..magtatampo ka eh" sabi niya

"Hindi..hatid na lang kita" sabi ko

"Sige na nga" sabi ko

Humiwalay na kami sa team at dumeritso na sila dorm.

Sumakay na kami sa kotse ko, hahatid ko na siya sa kanila. Habang nasa kotse kami nakasandal siya sa balikat ko at nakahawak ako sa kamay niya

"I'll call you tonight ha" sabi niya

"Sige.." sagot ko

"Kung gusto mo sa bahay kana matulog" sabi niya

"Nakakahiya naman kina Tita" sagot ko

"No..its okey..ano kaba..parte kana ng buhay ko.." sabi niya

Nakarating na kami ng bahay nila. Bumaba na ako at binuksan ko yung pinto para makababa siya.

"Hindi kana papasok??" sabi niya

"Hindi na..baka tulog na sila eh" sabi ko

"Sige na nga..ingat ka sa pag-uwi ah..text me pag naka uwi kana..I Love You" sabay yakap sakin

"Sige..Call me ah..I Love You More" sabay halik sa cheeks niya

Biglang bumukas yung pinto. Si Tito..

"Fille.." sabi ni Tito at kumalas si Fille sa pagkakayakap sakin

"Pa.." halatang kabado si Fille

"Sa loob tayo mag-usap" pumasok na si Tito. Napatingin naman sakin si Fille. At bignigyan ko siya ng Its going to be alright look

Pumasok na sa loob si Fille. Uuwi na sana ako kaso hindi muna ako pinauwi ni Tito at Tita..Patay!

Nakaupo si Tito at Tita sa sofa at nasa gitna nila si Fille. Tapos ako nakaupo sa may isa pang sofa

"Fille..anong kalokohan toh?" sabi ni Tito

"Pa..sorry" sabi ni Fille

"Mag sosorry ka kung kelan nagawa mo na?!" sabi ni Tito

"Pa mahal ko si Gretch" nagsimula ng manginig yung boses ni Fille

"Alam ko anak..Ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang itago...Eh tanggap ko naman" sabi ni Tito

Hindi na nakasagot si Fille at napatingin na lang siya kay Tito na gulat na gulat. Tumayo ito at niyakap si Tito at nakatingin sakin ng nakangiti

She's The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon