Chapter 46: Day5 (Finally!!)

3.3K 24 1
                                    

***

ITO PO YUNG CHAPTER NA SINIMULAN KONG BAGUHIN

MAS PINAGANDA KO PO SIYA

--

Day 5

January 15, 2013

GRETCH' S POV

Ito na siguro yung gagawin ko sa buong buhay ko na hindi ko na kailangan mag dalawang isip pa. Desisyon kung saan hindi ko na kailangan pang pag-isipan pa, hindi ko na kailangan pang mag-alinlangan pa, hindi ko na kailangan pang itanong sa iba kung tama o mali ba yung gagawin ko.

Eh ano naman kung mali, ano naman kung mali ang mahalin ko siya. Para sakin kasi tama. Eh ano naman kung maraming humadlang, eh ano naman kung maraming dumating na rumors, eh ano naman kung maraming hindi mulat sa ganong klaseng relasyon, hindi ko na siguro responsibilidad na ipaliwanag sa mundo kung gaano ko siya kamahal.

Sabi nga ng mommy ko,

Kapag nagmahal ka, wag mong i-intintidin ang sasabihin ng iba. Bakit pag nasaktan kaba,.iiyak rin ba sila?

Simula naman nung matutunan ko ng mahalin si Fille, I mean nung mahal ko na talaga siya. Marami ng nagsasabi na mali, mali daw kasi unang una pareho kaming babae, mali kasi ano na lang ang sasabihin ng iba.

Pero naisip ko, kung papakinggan ko ba yung sasabihin ng iba, mapapasakin si Fille, kung papakinggan ko ba yung sasabihin ng iba, malalaman ko ba na mahal rin ako ni Fille. 

Kung pinakinggan ko ba yung sinasabi nila na itigl ko na, tigilan ko na kasi wala ring pupuntahan toh, wag ko ng ituloy kasi mali daw. Wala naman akong mapapala kung susundin ko sila at papakinggan ko sila diba. Magsasayang lang siguro ako ng oras don.

Kaya ito ako ngayon at buo na ang loob at buo na ang desisyon ko na hingin ang matamis niyang OO. Alam ko hindi ko toh pagsisisihan, siya yung kaligayan ko at alam ko rin na pagkatapos ng araw na toh, yung sakit dati mapapalitan ng saya, yung luha dati mapapalitan ng ngiti at yung pait dati mapapalitan ng tamis. Kaya its time to chase and get my happiness:D

Masaya akong bumangon mula sa higaan. Pero syempre dahan dahan lang kasi baka magising yung happiness ko. Patayo na sana ako bigla niyang hinawakan yung kamay ko habang nakapikit siya.

"Lalabas kana?" tanong niya

Tinabihan ko ulit siya

"Pahangin lang ako" sagot ko

"Ah sige" sabi niya

"Tulog ka muna?" sabi ko

"Oo..antok pa ako eh" sabi niya

"Sige labas muna ako ah.." sabi ko

Tumango lang siya

Kiniss ko siya sa noo at inayos yung unan niya at kumot. Then lumabas na ako ng room.

Paglabas ko..wala pang gising ni isa sa kanila. Ako palang.

Kaya lumabas na lang ako para magpahangin saglit.

Umupo ako don sa may buhangin at tumingin sa malayo.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naiisip ko yung mga mangyayari mamaya. Hindi ko mapigilang mapangiti pag naiisip ko yung mga kasweetan namin dati..hindi pa kami official non ah pero ang sweet sweet na namin sa isa't isa. Pano pa kaya kung official na kami..baka pati asin langgamin na niyan.

She's The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon