Chapter 63: The Sweet Manliligaw:)

2.6K 43 18
                                    

FILLE'S POV

Parang nakadikit ako ng glue sa higaan namin ngayong umaga.

Gusto ko ng tumayo kanina para magluto ng breakfast para kay Gretch at para sa team, pero yung katawan ko na mismo yung ayaw bumangon.

Sa halos one week na wala akong ibang ginawa kung di ang alagaan si Gretch. Aaminin ko napagod ako pero hindi naman ako nagsisisi eh, ayaw ko kasing nakikita siyang nanghihina at nagkakasakit.

Kahit pagod ako ayaw ko paring ipakita at sabihin sa kanya kasi ayaw kong mag-alala siya at ayaw kong sisihin niya yung sarili niya kung bakit ako pagod.

Pagod man yung katawan ko pero sa loob loob ko masaya ako kasi magaling na Siya. Natakot talaga ako kasi natatakot akong mawala siya sakin kung sakali. Pero wag naman sana.

Heto at mahimbing siyang natutulog dito sa tabi ko. Nakaunan ako sa braso niya at nakadantay ako sa kanya. Magkayakap kami na matutulog at magkayakap rin kaming gigising:)

Dahil ayaw pang tumayo na katawan ko. Pumikit ulit ako.

After a few minutes, naramdaman kong humikab na siya. Naramdaman ko na rin yung paghinga niya kaya minulat ko yung mga mata ko.

Saktong pagmulat ko ng mga mata ko, hinalikan na niya ako sa cheeks:)

"Goodmorning Babe" bati ko

"Goodmorning Babe" bati niya

"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ko

"Okey na okey na ako Babe" sabi niya

Ngumiti ako at niyakap ko siya at niyakap niya rin ako.

"Salamat naman" sabi ko

"And that's because of you" sabi niya

"Bakit naman?" tanong ko

"Kasi lagi kang nanjan para sakin. Para alagaan ako. Hindi ka umalis sa tabi ko." sabi niya

"Babe..di ba sabi ko naman sayo na hinding hindi kita iiwan" sabi ko

"Ako rin. Pangako ko sayo na hinding hindi din kita iiwan ha" sabi niya

"Mahal na Mahal Kita" sabi ko

"Mas Mahal na Mahal Kita" sabi niya sabay halik sa noo ko.

Tumayo na kami at naghilamos at nagtoothbrush syempre:). Habang magsusuklay ako siya naman ang nagaayos nung higaan namin.

Saktong tapos ko ng ipitin yung buhok ko nung maramdaman kong nakabackhug siya sakin. Tapos yung baba niya nasa may balikat ko. Nakaharap kami sa salamin

"Ganda ganda talaga ng Babe ko" sabi niya

"Hmp! Bola..haha" sabi ko

Hinarap niya ako sa kanya. Nilagay niya yung mga kamay ko sa batok niya at inayos yung buhok ko at nilagay ang mga kamay niya sa bewang ko.

"Kailan pa kita Binola?" sabi niya sabay tawa

"Hmp! Maganda ba talaga ako?" sabi ko. Chos:)

"Oo naman..pinakamaganda pa sa pinakamagaganda" sabi niya

"Hmp! Baka maniwala na ako niyan ha" sabi ko

Ngumiti lang siya. Tapos niyakap niya ako.

She's The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon