Chapter 60: Mahal Kita, Walang Iba

3K 38 9
                                    

Click The Multimedia..:)

--

GRETCH'S POV

Hindi bat ang saya pag napapasaya mo siya? :D

Hindi bat ang gaan gaan sa pakiramdam pag nakikita mong nakangiti yung taong mahal mo dahil sayo?

Hindi bat ang saya saya pag lalo lang kayong napapamahal sa isat-isa?

Kaya wala akong dahilan para maging malungkot, dahil nanjan siya na kaligayahan ko. Wala akong dahilan para maging mahina, dahil nanjan siya na lakas ko. Wala akong dahilan para tamarin na bumangon kada umaga, dahil nanjan siya na bubuo ng araw ko. Wala akong dahilan para maghanap at magmahal ng iba, dahil nakaukit na siya sa puso ko at wala ako ibang mamahalin kung di SIYA LANG!

After ng Valentines Date namin kagabi, syempre nag u-umapaw nanaman yung saya sa puso ko. Napasaya ko nanaman siya ng todo, at higit sa lahat naparamdam ko nanaman sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Habang naka-unan siya sa braso ko at mahimbing ang tulog, kinuha ko yung phone ko sa may gilid ng kama ko.

February 15, 6:30 am

You know what that means?:D

Its our first monthsary!!:D

One month na kami and I still fall in love for her over and over again. Siya parin yung Fille Cainglet na nakilala ko sa BEG noon, siya parin yung MS. SUNGIT na nagpatibok ng puso ko. First Monthsary to Forever;D

Hindi ko na siya pinauwi kabagi after ng Date namin kasi medjo gabi na rin eh. Kaya dito ko na siya pinatulog. Hindi naman siya tumanggi eh, tsaka hindi yan tatanggi basta ako ang katabi :D

"Happy First Monthsary" bati niya. Gising na pala siya :D

Kiniss ko siya sa noo

"Happy First Monthsary Babe" bati ko naman

Pinatong niya yung kamay niya sa batok ko habang ako nakayakap sa kanya habang nakahiga kami.

"One month and I still feel the same way for you. Ikaw parin yung Chinita ng buhay ko. I Love You" sabi niya

"Aww..One month and I still fall inlove with you everyday. Ikaw parin yung Ninja ng buhay ko. I Love You So So Much Babe"

Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa labi.

"One month and still I get those silly butterflies" sabi niya

Niyakap ko siya.

Nauna na siya nagligo sakin habang ako nag-aayos nung pinaghigaan namin at yung mga kalat namin kagabi.

After niyang maligo, ako naman yung sumunod. Then after kung maligo, lumabas na ako.

Halos mapatigil ako sa pinto ng CR nung makita ko siya. Napatulala na lang ako =O

She is wearing a blue dress..tapos simple lang yung ayos ng buhok at simple lang yung make up. Pero ang ganda ganda parin niya..

Sa sobrang tulala ko, hindi ko na namalayan na nakalapit na pala siya sakin.

"May multo ba?" tanong niya

Natawa ako, natawa rin siya

"Bakit bigla kana lang natulala jan?" tanong niya

"Ganda mo kasi eh" sabi ko

"Ah..so, ganon na pala ako kaganda para matulala ka ng ganyan?" sabi niya sabay tawa.

She's The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon