Chapter 27: Stalker

2.9K 48 1
                                    

[Stacey's POV]

---

Tulala lang ako habang nakatitig sa kisame. Nakahiga parin ako at inaalala yung panaginip ko kagabi. Wah! Nababaliw na ata ako ~>_<~

Si Zed daw hinalikan yung noo ko. Huhu! Eh imposible namang maging totoo yun dahil nailock ko naman yung pinto. Di ba? Aish! Umiling iling ako para mawala ang mga negative toughts ko. Kakaloka!

Bumangon na ako para maligo. Ayoko namang malate noh? Isipin pa ni Luke na inaabuso ko yung pagiging magkaibigan namin.

Nagbihis na ako at bumaba para uminom ng gatas. Pero napakunot ang noo ko ng may nakita akong pagkain sa mesa. Woh?!

"Saan galing 'to?" Gulat kong tanong habang nakatingin sa mga pagkain. May sinangag, bacon, gatas, hotdog prutas at fried chicken. Kinusot ko ang mata ko dahil baka namamalik mata lang ako. Pero! Wahhhhh totoo talaga na may pagkain.

Lumapit ako dun saka inamoy amoy ang mga pagkain. Bagong luto siya, pero sino naman ang magluluto nito eh wala naman akong kasama sa bahay?! O___o

Wah! Di kaya?

Minumulto ako nila Mommy?! >o<
Huwag naman sana. Huhuhu! Pero sino ba ang nagluto nito? Eh wala naman akong binili na hotdog at bacon. Tas wala naman akong stock ng manok? Huhu! Binabangungot na ba ako? T___T

Bumuntong hininga ako saka tumalikod. Pero nagugutom na talaga ako. Wala naman atang lason yung mga pagkain di ba? Di ba? 

Lumapit ako sa upuan pero agad akong tumalikod. Umiling iling ako. Hindi to pwede baka mamaya may lason pala yan. Mahirap na. Hayyyss!

Nagsimula na akong maglakad pero huminto na naman ako ng biglang kumulo ang tyan ko bwesit! Inaakit ako ng pagkain eh! -O-


Sige na kainin mo na...

Eh paano kung may lason?

Eh paano mo malalaman kung wala kung hindi mo titikman?


Hala?! Napailing ako bigla. Mukhang papatayin ako ng utak ko eh! Asar! Akala ko pa naman may magandang ideya yung utak ko. Huhu! Paano ko daw malalaman kung hindi ko naman titikman?! Bwesit! Paano kung meron? Edi deadball na ako nun. π_π

Lumingon ulit ako at parang inaakit talaga ako ng mga pagkain. *gulp* Sige na nga! Tikim lang naman eh . Huhuhuhu!

Naglakad ulit ako pabalik dun at umupo. Abot abot ang kaba ko habang nakatingin sa pagkain. Sino ba kasing nagluto nito? *pout*

---

After 10 minutes..

Pinunasan ko ang bibig ko. Wah?! Naubos ko yung pagkain O_o Ganun ba ako kagutom o sadyang masarap lang yung pagkain? Pero infairness wala siyang lason. Hehehe! Tumayo na ako at niligpit yung plato.

Inayos ko nga ang sarili ko saka binuksan ang pinto. Napakunot ang noo ko ng may makita akong kumpol ng rosas sa labas ng pinto. Muntik ko pang maapakan.

"Kanino naman 'to?" Takhang tanong ko habang inaamoy yung pink roses. Haunted na ba ang bahay namin? Huhu! Bakit ganito ang nangyayari ngayon? Baka mamaya pag uwi ko wala ng mga gamit sa loob. Eh? Nakakatakot naman.

Pinatong ko nalang yun sa glass table at lumabas. Napatingin ako sa labas ng bahay. "Hindi naman mukhang haunted yung bahay ah?" Napakamot nalang ako dahil naweweirduhan na ako. Hays! Makaalis na nga!

My Po-faced Teacher Is My Husband [ Major Editing ]Where stories live. Discover now