Chapter 7: Baby Zaira

4.6K 69 5
                                    

[Diadem POV]

Pfft. Ang cool talaga ng batang yun. Haha! Grabe yung mukha ng asawa niya kanina. Kasama ko ngayon si Ellis dahil lunch break na namin.

"Asan na ang babaeng yun?" Tanong ni Ellis. Ang kulit talaga nun. Haha! "Baka ini- stalk si Crush haha!" Natatawa kong sabi. Nagpunta naman kami sa cafeteria.

College students na kami at noong highschool pa kami magkaka-kaibigan. Saka mahal na mahal namin ang batang yun. Hehe! Kumuha na kami ng pagkain at umupo.

Siniko naman ako ni Ellis kaya napatingin ako sa kanya. "Si Stacey yun diba?" Tiningnan ko naman ang diteksyon na tinuturo niya. Pfft! Sinong hindi makakakilala sa maliit na yan? At grabe ang dami ng pagkain niya sa lamesa! Pinapakain ba talaga siya ng asawa niya? "Tara dun tayo" tumayo naman kami at lumipat sa table niya.

[Stacey's POV]

Sinubo ko ang fried chicken na may maraming gravy. Huhu! Hindi parin ako move on kay Ferdy! Bwesit yun!

"GIRL!" Bakit andito sila? Hindi ko na sila pinansin at kumain nalang. "Saan ka ba nagpunta kanina?" Tanong ni Bilog. "Hulaan niyo" bored kong sabi at kumain. Nagkatinginan naman sila. Pssh!

"Don't tell me, nag stalk ka?" Tumango naman ako sa sinabi ni Ellis. Oo nagstalk ako, actually tumambay ako sa department nila Luke. Nakakabadtrip kasi ang Ferdy Problem na yun. -___- "Told yah"

"Bakit ka ba nag walk out kanina?" Tanong ni bilog. Tinatanong pa ba yan? Tss. Ikaw kaya ang mag solve nun! "Tss. Syempre para umescape! Baka kung ano namang sabihin nun sa akin" sagot ko at inubos ang cheesecake ko.

"Nga pala! Anong plano mo sa birthday mo?" Excited na sabi ni Ellis. Napaisip naman ako. Hala! Oo nga noh? Ilang araw nalang birthday ko na. Wah! Madadagdagan na naman ang edad ko. Mag twe-twenty-one na ako. Huhu! "Ewan ko. " I said and shrugged. Last year nagbakasyon lang naman kami ni Zed e pero badtrip yun e kasi saktong may bagyo! Hays.

Siguro matutulog nalang ako. "Ay ganun? Hindi ka manlang manlilibre?" Maarteng sabi ni Ellis. "Libre your face. Dapat ikae nga ang manlibre dahil birthday ko yun. " Saka ang yaman kaya nila. "Ito naman seryoso masyado. " Nakasimangot niyang sabi.

Nagbell na kaya umalis na kami at nagpunta sa next class namin. Gusto ko ng umuwi!

[Zed's POV]

That little brat! Hindi talaga niya seneseryoso yung pag aaral niya. Ugh! Pero, muntik na akong matawa kanina. Hay! Ang kulit talaga nun. *Smile*

"Wah! Ngumiti si Sir!"

"Ang gwapo talaga niya! Kyah!"

"Gosh! Si Sir ngumiti!"

Tss. Big deal ba ang pagngiti ko? Hindi nalang ako umimik at naglakad na papuntang office ko. Pero napakunot ang noo ko ng makita ko ang pasaway kong asawa/estudyante. Mukhang may kaaway.

My Po-faced Teacher Is My Husband [ Major Editing ]Where stories live. Discover now