Chapter 10: Jealousy or a Period?

4.4K 77 0
                                    

[Stacey's POV]

Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko para makita kung anong ginagawa ng dalawang 'yun. Mukhang nag uusap naman sila pero nakakunot ang noo 'nung babae. Si Zed naman nakatalikod kaya 'di ko makita ang mukha niya. Bakit kasi andun sila sa labas? Pwede naman silang pumasok sa loob. Hay!

Bumalik ako sa kama at humiga. Ano kaya ang pinag uusapan nila?

"Aish!" Sabi ko at nagtakip ng unan. Why do I bother anyway? Hah! Bahala sila kung anong gusto nilang gawin. Tss. Kinuha ko ang phone ko para sana maglaro pero napakunot ang noo ko ng biglang nagring 'yun at unknown number ang caller. Hmm sino kaya 'to?

"Oh?" Tanong ko saka humiga.

[" Hi! Can we meet? It's Luke by the way"] What?! Literal akong napanganga at bumangon bigla. Nilayo ko pa ang phone at tiningnan ang number niya. Kyahhhh!!! Pinigilan kong hindi tumili baka makahalata siya. Ohmygolly feeling ko namumula ako! ^___^


"Ha? Aa... B-bakit?" Gosh! Nauutal pa ako! Huhu. Grabe ang ganda ng boses niya! Pero bakit gusto niya akong makita? ["I just want to talk to you, if you don't mind" ] Kyah! Ano naman ang pag uusapan namin?
Tiningnan ko muna kung nasa labas pa sila Zed at nakahinga ako ng maluwag na makitang nag uusap pa sila. Chance ko na 'tong makalabas. Hehe!



"Sige sige hintayin mo na lang ako hehe! Nakangiti kong sabi at binuksan ang closet ko. Wah! Anong susuutin ko?

["I'll just text the place. Take care!"] Hindi na ako sumagot at i-nend na ang tawag. Ano bang isusuot ko? Puro shirt at jeans lang naman ang laman ng closet ko, saka hindi naman ako mahilig mag dress.


Kinuha ko ang isang v neck pink shirt at isang faded jeans. Hehe! Okay na siguro 'to. Nag vibrate naman ang phone ko at may sms galing kay Luke. Sa Mall kami magkikita hehe! Pinusod ko nalang ang buhok ko at dali daling sinuot ang sapatos ko saka dinala ang bag ko.

Dahan dahan akong lumabas at bumaba. Wah! Para akong mag nanakaw sa sarili naming bahay! Dali dali akong lumabas sa back door na nasa kusina at kumaripas ng takbo. Grabe! Muntik pa akong madapa.


Pumara na ako ng taxi at tinext si Luke.

I'm on my way.

Sent!

Bigla namang nagring ang phone ko. Akala ko si Luke pero napasimangot ako ng makita kong si Zed pala ang tumatawag patay! Hinayaan ko nalang 'yun at naghintay i end ang tawag. Bahala siya diyan. Binayaran ko na si Manong at lumabas ng taxi.


Tiningnan ko muna ang mukha ko gamit ang phone ko. Baka mukhang haggard na pala ako. Geez!


Pumasok na ako sa loob at hinanap si Luke. Ang dami namang tao. May natanggap naman akong text galing kay Zed. Patay!


Sms from Zed

Where are you?!

Hala! Galit ata siya. Hindi na ako nagreply at nilagay nalang ang phone ko sa bag. Nakita ko naman si Luke na papalapit. Gosh! Why so handsome? Ayos lang kaya 'yung suot ko?



"Thanks for coming" He said and smiled. "Okay lang hehe. Teka ano bang sasabihin mo?" Takhang tanong ko. Nagulat naman ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa isang ice cream parlor.




My Po-faced Teacher Is My Husband [ Major Editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon