Chapter 3: Crush

5.5K 95 3
                                    

[Stacey's POV]

-Steinfield University-

Kasama ko ngayon sina bilog at Ellis. Kanina pa sila daldal ng daldal pero wala ako sa mood para makipag chikahan sa kanila. Si Mama kasi e! Hayyss!

"Bakit nakabusangot ka diyan?" Tanong ni Ellis. Umupo naman kami sa bermuda grass. Andito kami sa gilid ng soccer field. "War na naman kayo ni Zed?" Binalingan ko ng tingin si bilog na may hawak na libro. "Tss. Hindi. May major problem lang ako" I said habang nanunood ng practice. Hays!

"Woh? Really? Ano yun?" Usisa ni Ellis. "Kwento mo dalii" sinamaan ko sila ng tingin. Mukhang masaya pa at excited ah! Anong akala nila sa problema? Tsismis? Mygolly .

"Gusto niyo talaga malaman?" Seryoso kong sabi at tinaasan sila ng kilay. Nag nod naman sila. "Yung problema ko kasi ay yung kung paano ko kayo ililigpit! Ang tsismosa niyo e !" Sabi ko sa kanila. Nakaka imbyerna kasi e. Kahit problema ko gusto pa nilang i tsismis ko sa kanila.

"Grabe ang highblood masyado"

"Ang harsh naman" hindi ko na sila pinansin at nanuod nalang. Tss. Ang lampa naman ng isang yun. Pagsipa lang ng bola, natisod pa. Tsk. Tsk. Oh yun namang isa nakipag lips to lips sa lupa. Hay! Ayun! Yung lalaki nadapa kakaagaw ng bola. Tss. Oh yung isa naman nakikipag patintero sa bola at sinipa... Pero wait a minute

Bakit papunta yung bola sa direksyon ko? Pinasingkit ko ang mata ko at parang slow motion itong papalapit sa akin. Wah! Inaakit ba ako ng bola kaya hindi ako makagalaw?

"Stacey!"

"Oh my golly!"

"Miss! Tabi!"

*Poink!*

Aray! Napasapo ako sa ilong ko nung tumama ang bola. Aray huhu!!!

"Stacey! Are you okay?" Binatukan ko naman si Ellis. Ano bang klaseng tanong yun? "Oo grabe oking oki ako! Hindi naman masakit tamaan ng bola sa mukha!" I said sarcastically at tumayo. Sino bang nakatama sa akin? Letse yun a!

"Sinong nilalang ang nakatama sa akin ha?!" Inis kong tanong sa mga estudyanteng nakasaksi sa kashungahan ng taong nakatama sa akin. Yung iba nagtawanan yung iba naman wala lang. Nakahawak parin ako sa ilong ko. Shete ang sakit +___+.

"I'm sorry Miss. I didn't mean it" napatingin ako sa lalaking lumapit na naka soccer uniform. Napatunganga naman ako ng makita ko ang gwapo niyang mukha. Napalunok pa nga ako e. Wow! So hot! Siya? Siya ang nilalang na nakatama sa akin? Ang swerte ko naman kung ganun. Mabait na nga gwapo pa at gentleman pa. Hehe!

"Miss? Are you okay?" Pati ang boses niya ang ganda. Parang anghel kung magsalita. Siya na. Siya na ang ideal guy ko. Huhu! "Miss?" Ngumiti ako sa kanya. "Miss you, too" Teka? Anong sinabi ko? Gulat akong tumingin sa kanya ng marealize ko ang sinabi ko. He's smiling! Wah!

My Po-faced Teacher Is My Husband [ Major Editing ]Where stories live. Discover now