Chapter 25: Painful Decision

3.1K 47 4
                                    

[Stacey's POV]

Pagkalabas ni Zed sa kwarto ay nagsimula ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Napahikbi ako habang inaalala ang narinig ko sa kanya nung isang araw. Yes, I heard everything.

"I'm sorry Stacey, I didn't save our little angel."

Napahawak ako sa tiyan ko. Wala na. Wala na ang baby ko. T__T Ni hindi ko nga nalaman na buntis na pala ako. I'm so stupid.

Iyak lang ako ng iyak. I'm so confused right now. Ang sakit sakit mawalan ng anak.

Naguiguilty ako sa nangyari kay Zane. Ako ang dahilan kung bakit siya naaksidente. Ang laki ng kasalanan ko sa pamilya nila. I don't deserve to be part of their family. Tapos nawala pa ang baby ko. My precious baby. (╥_╥)

At nagagalit din ako dahil alam pala ni Zed ang lahat pero hindi niya sinabi sa akin. I'm so disappointed with Him. Pinunasan ko ang luha ko ng bumukas ang pinto at nagtulog tulugan.

"Stacey" Napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Mama. Mas lalo akong napaiyak. Nahihiya ako sa kanya. "Hindi mo kasalanan ang nangyari kay Zane. Tapos na yun" Bakit ba kasi ang bait bait nila sa akin?

Umupo ako at tumingin sa kanya. Tuloy tuloy parin ang agos ng luha ko. "I'm sorry Ma. Pero gusto ko ng makipaghiwalay kay Zed" naiiyak na sabi ko at napayuko. Naisip ko na yan ang mas mabuting gawin sa ngayon. Gulong gulo narin ako, plus nawalan pa ako ng anak.

Ang babaw ko na ba? "Iha. Huwag, hindi mo dap-----" hinawakan ko ang kamay niya. "Masakit po mawalan ng anak. Pagkatapos po ng mga nangyari napag isip isip ko na mas mabuting maghiwalay muna kami" sagot ko. This is the best yet painful decision I ever make.

"Iha, kung iniisip mo parin yung tungkol kay Zane wala na yun. Tapos na yun. Please... huwag mong gawin ito" naiiyak na sabi ni Mama habang hawak hawak ang kamay ko. Napayuko ako, paano ko siya mamahalin kung may mahal siyang iba? At si Arah yun.

Ngumiti ako ng mapakla. "Ma sorry po. Pero yun po ang desisyon ko. Sorry po" umiiyak kong sabi habang nakayuko.

Biglang nagflashback yung sinabi ni Arah sa akin at yung nangyari.

Flashback ( nung nandun siya sa condo ni Zane)

Bumalik ako sa couch at bigla namang nagring ang phone ko.

"Hay naku ang kulit talaga ni Zed. ... oh? Unknown number? " takhang sabi ko habang nakatingin sa phone ko. Sinagot ko naman yun dahil baka urgent to.

"Yoboseo?" Hehe! Nagkorean ako.

("What did you say?! Tss") ang taray naman nitong caller ko.

"Anong kailangan mo?" Masungit kong tanong.

("Leave Zed. Hindi ba naikwento ni Zed sayo na nabuntis niya ako? Our son needs him. Kaya kung may konsensya ka hiwalayan mo si Zed" ) It's Arah, Zed's ex. Anong sabi niya? May anak sila? Niloloko ba ako ng babaeng ito? Maligno pala?

My Po-faced Teacher Is My Husband [ Major Editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon