Right Here Waiting

spinner.gif

RING!

Dismissal na! Buti naman friday na. Makaka pahinga na din ako sa mga walang katapusang assignments at quizzes. Oo nga pala, may nakapag sabi sakin na mag wish daw, swerte daw kasi yung 11-11-11, edi nag wish naman ako. Ang winish ko sana makita ko na yung taong magmamahal sakin.

Palabas ako ng classroom nun tapos nakita ko nun si john, parang na love at first sight ako, pero lagi ko naman siya nakikita dati pa kasi classmates din naman kami nung grade five. Pero bakit ganun, eto na ata yung wish ko. Ang swerte siguro sakin ni john, kaso lang di naman ako napapansin. Saklap lang. 

"Hoy althea cruz! Napapadalas pag tingin mo dyan kay john ah."

Tumawa na lang ako sa sinabi ng bestfriend ko na si michelle. After nung makita ko si john nung friday, nagsimula na yung pagkakaron ko ng crush sakanya. 

One time nagpunta kami sa green garden para mag practice ng sayaw. Doon din kasi nakatira isa sa mga groupmates ko. Natapos kami ng around 6pm. Umuwi na sila, nagpaiwan ako. Nagpunta ko sa common friend namin, sinamahan niya ko para puntahan si john, kaso wala daw edi syempre, nainis ako. Kasi nman sobrang pagod na ko dahil sa practice pero pinili kong mag stay para makita siya. Pero ginusto ko to kaya wala akong karapatang mag inarte. Sa sobrang kulit ko, tinawagan siya ng kaibigan ko. Kinausap nila ng naka loudspeaker para marinig ko.

"John" Sabi nung common friend namin na koreano na si seok.

("Oh?") Medyo bored nga yung tono ng boses niya. Nako wrong timing pa ata pagtawag namin.

"Nasaan ka?" Seryosong tanong ni seok. Natatawa na nga lang ako kasi mukha na rin siyang iritado.

("Blue heights. Bakit?") Sagot naman niya. Siguro kasama nanaman niya mga kaibigan niya. Mukhang nag iinuman. Ang ingay kasi ng background.

"May itatanong lang" Tumingin namin sakin si seok na parang sinasabi niya na "Ito na pakasaya ka na"

("Ano yun?") Mabilis naman niyang sagot.

"Ano daw gusto mong number sa jersey?" May liga kasi sila. Sinabi nila sakin kaya gusto ko gamitin niyang number galing sakin. Wala e. Ganyan talaga.

("Kahit ano, kayo bahala") Kahit kailan talaga suplado kausap o sadyang bored lang.

Tumingin naman sakin si seok na parang nagtatanong kung anong number. Sinabi ko 17. Tumango naman siya. 

"17? Okay lang?" Tanong niya naman agad kay john.

("4 sana eh. Pero sige mas maganda 17.") Ohmy! Natawa na lang si seok sa reaksyon ko. Bakit ba, masama ba kiligin?

"Ayun, sige bye" Binaba na ni seok yung phone tsaka tinawanan ako.

After ilang days, lalo ko siyang nagustuhan. One boring morning, habang nagdidiscuss teacher namin, bigla siyang pumasok sa isip ko. Napag tripan ko siyang sulatan. Nakalgay dun..

" HI JOHN TAN! <3 "

- :)

Pina abot ko to sa kaibigan ko, kinuha naman niya. Tapos nabasa ata to ng mga kaibigan niya. Maya-maya may nag abot sakin na sulat na galing daw kay john. Pagkabasa ko nakalagay dun..

" Hi. wala ka ng pag-asa sakin. sa iba ka na lang"

- JT :)

Ewan ko, na depress talaga ako nun tapos nalaman ko na lang na mga kaibigan niya pala gumawa nun. Ayos diba, pag tripan ba naman daw ako. Sabi ng mga kaibigan ko, move on. Ayoko nga, dahil lang napag tripan ako, move on agad? Ang babaw ng dahilan. 

Ilang araw na din simula nung naging crush ko si john. Nagulat ako pati yung kaibigan ko kasi tinulak sakin si john. Sobrang kilig talaga ako nun tapos inaasar pa siya ng mga kaibigan niya. Simula nun, halos araw-araw ata siya tinutulak sakin. Iba feeling pag katabi mo crush mo. Tumitigil yung oras, tapos siya lang nakikita mo. Yung bang akala mo kayong dalawa lang. Paarang napapamahal na ko dun ah. Kaso lang alam ko naman na masasaktan lang ako at wala din ako pag asa sa kanya. Pero kahit na. Hindi ko hinihingi pagmamahal niya. Hayaan niya lang ako na mahalin siya, masaya na ko dun pero mas masaya, pag minahal niya din ako. Hay, hintay hintay din. Yeah, i'll wait for him. Magiging kami din. 

Comments & Reviews (24)

Login or Facebook Sign in with Twitter
mindoverheart17
mindoverheart17

2 years ago
LOVE LOVE LOVE!!! :))


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended