Siya pa rin

2.1K 12 2
                                    

Isang sabado, first year high school ako nun, nagpapraktis kami ng mga kaklase ko dun sa bahay na may bantay.

Bakit dun? Wala kasing space sa bahay namin, kung sa labas naman kami, mainit. E di dun na.

Masaya kaming nagpapraktis. Ginagawan pa nga namin ng choreo yung 'Walang Sabit' ni Sandara Park pasa practicum namin sa MAPEH, yung kasi yung uso nun. Mejo malakas yung tugtog para mas feel.

Sabi nung isa kong groupmate, "Wow, ang ganda naman ng bahay, ang cute. Sayang naman walang nakatira."

"Oo nga e, bihira din kasing mag-overnight sina tita dito. Pag pumunta naman sila ng umaga, sa hapon aalis na rin sila," sabi ko naman.

So, nagumpisa na kaming magpraktis. Siyempre, hindi ko pa kinukwento sila na may 'something' dun kasi baka biglang mag-alisan.

Tanghali na, nagutom na kami kaya naglunch muna kami. So, lipat muna kamisa bahay namin, dun yung pagkain e.

Wala pa naman silang napapansin na kakaiba, so tuloy pa rin kami.

After kumain, bumalik na kami dun. Pahinga muna kasi nga kakakain lang. Naupo yung isa kong groupmate sa mahabang upuan [kahoy yung upuan na parang sofa]. Tabing bintana yun.

Sa tabi nung bahay na yun, may konti space lang, mga 1.5 meters tapos bahay ulit.

Maya-maya sabi nung groupmate ko, "Oy, anong meron dun? Bahay ulit?" tinuturo nya yung CR nung katabing bahay.

"Ah, ayun ba? CR lang yun," sabi ko na parang wala lang.

"May pinto ba dun?" tanong nya ulit.

"Wala, dead end na yan e," sabi ko naman. Biglang lumaki yung mata nya.

"Oy, wala namang takutan. Hindi nga? Totoo nga?" tanong nya ulit. Ngayon, natigilan na rin yung mga kaklase kong na nagkwekwentuhan kanina. Nakikinig na sila sa usapan namin.

"Ay, ang kulit. Oo nga, bakit ba?" tanong ko, pero sa isip-isip ko sabi ko, "Okay, eto na siya."

"Kasi nga may nakita akong babae, naglakad jan tapos pumasok dun," sabi nya sabay turo dun sa may space sa pagitan nung bahay pati dun sa pader ng CR.

Alam kong seryoso siya, kasi first time pa lang naman nyang nakapunta dun sa bahay na yun, hindi nya alam kung anong meron yun.

"Ano ka ba? Hindi madadaan yan. Tambakan yan ng panggatong namin e," sabi ko sa kanya na parang wala lang, para naman hindi na rin matakot yung mga iba naming kaklase.

Ayaw pa rin  nyang maniwala kaya naman nagputa kami dun para makita nya talaga.

"Sige, tara, tingnan mo para makita mo talagang walang madadaanan dun," sabi ko at pati yung mga iba ay sumama na rin. Pagdating namin dun, ayun nga, nakatambak yung mga panggatong. Sinubukan pa niyang pumasok dun para daw malaman nya kung hindi talaga pwdeng pumasok dun.

Pagbalik namin sa bahay, dun pa rin sa 'kakaibang' bahay, tulala yung mga kaklase ko. Walang katao tao sa labas kasi siesta time.

Sinara nila yung pinto. Sabi ko naman, "Tara na, tapusin na natin 'to para makauwi na tayo."

Pinatugtog na ulit namin yung 'Walang Sabit'. Saktong pagumpisa nung tugtog…

"Tok tok tok. Tok tok tok," may kumatok sa pinto, malakas, narinig namin lahat.

Dahil may nakatayo malapit sa pinto, pagkatapos na pagkatapos ng huling katok, binuksan agad nung kaklase namin yung pinto. Pero, to our surprise… walang tao.

Biglang napatakbo palayo sa pinto yung mga kaklase ko. Ako naman, kunwari matapang, lumabas ako. Tinignan ko kung sino yun. Wala talaga.

Pumunta ako sa bahay,tinanong ko yung kasambahay namin kung may pumunta ba dun at kumatok. Naglalaba kasi siya kaya makikita nya kung may taong nanggaling dun banda. Sabi nya, wala.

Pagbalik ko sa bahay, takot na yung mga kaklase ko, kaya naman lumipat na lang kami sa bahay talaga namin, dun na nga lang kami sa labas. Kahit mainit go na rin. Okay na daw magtiis sa init kesa dun sa kabilnag bahay.

After that incident, ginamit pa rin namin yung bahay na yun para sa group meetings pero iba na yung groupmates ko kaya okay lang. :D

******************************************************

Kwentong KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon