Bantay ng Bahay

2.3K 10 2
                                    

This story happened to me when I was in high school.

Sa parehong bahay kung saan may nakita yung kasambahay namin na nakatitig sa kanya, may naranasan din ako.

Isang araw, bakasyon ata yun, wala kaming magawang magkakapatid. Dahil nacucurious ako sa itsura nung babae, napagpasyahan kong tumambay doon, bukas naman kasi yun kaya pwede kang pumasok anytime.

Dalawang palapag yung bahay. Sala, kusina at banyo sa baba. Pagakyat mo naman sa hagdan, may maliit na sala tapos tatlong kwarto. Yung sa taas pala, may harang yung tabi ng hagdan para nga naman walang malaglag.

Yun na nga, magtatanghali nun. Tahimik ang paligid, well, parati namang tahimik dun sa bahay na yun kasi nga walang nakatira [meron pala, mahiyain lang, hindi madalas nagpapakita :D].

Ngayon, napagpasyahan kong magwalis-walis muna, kasi nga sobrang alikabok na talaga. Habang naglilinis, kumakanta-kanta pa ako, parang concert lang. Kasama ko naman yung kapatid at pinsan ko dun, naglalaro sila sa may sala.

Nakatayo ako sa may tabi ng ilalim ng hagdan, yung tipong pagtumingala ka, kita mo yung taas.

Actually, nakalimutan ko na na gusto kong makita yung 'bantay' dun kaya ako tumambay sa bahay na yun, nawili kasi ako sa pag-concert. :D

So, ayun na nga. Habang bumibirit ako, Celine Dion na kanta pa nga yun e, napatingala ako. Diba ganun naman talaga pag feel na feel mo yung kanta, napapapikit at napapatingala ka pa.

Pagtingala ko, nakapikit ako nun. Hindi ko rin alam kung bakit bigla kong minulat yung mga mata ko, saktong sakto yung sight ko dun sa taas. And guess what? Napatigil ako sa pagbirit. Bakit?

Wala naman, may nakatitig lang naman sa akin, at nakipagtitigan din ako sa kanya. Maliit yung mukha nya, mahaba yung buhok. Hindi naman nakatabon sa mukha nya yung buhok nya pero hindi makikita yung features nya. Basta maliit yung mukha nya.

Limang segundo akong nakatitig sa kanya, at ganun din siya sa akin. After 5 seconds, iniwas ko yung tingin ko, tapos binalik ko dun sa pwesto nya kanina, wala na siya.

Niyaya ko na yung mga kapatid ko na umuwi na, pagdating namin sa bahay, 12nn na pala.

Siguro, naingayan siya sa akin kaya tinitigan nya na ako.

Hanggang dito na lang po ang kwentong ito.

More stories to come. :D

*****************************************

Nung nakwento ko sa tita ko yung nangyari, pinadescribe nya muna sa akin yung nakita ko. Pagkatapos, sabi nya, 'Siya na nga yun'.

Kwentong KababalaghanWhere stories live. Discover now