Bintana

2.1K 12 1
                                    

This story happened… years ago. Yes, it really happened.

******************************

Noong elementary ako, may naging yaya kami. Hindi ko na matandaan yung pangalan nya (sorry naman).

Mga one week pa lang namin siyang kasambahay noon. Well, dahil nga one week pa lang siya, hindi pa namin siya ganun ka-close. Hindi pa nya alam yung mga "kakaibang" nangyayari sa bahay na yun. Siyempre, baka bigla siyang umalis e.

So, eto na.

Isang gabi, patulog na siya kaya isasara na niya yung bintana. Yung bintana pala e tanaw yung bintana ng kabilang bahay. Mga 5 meters yung layo nung dalawang bintana na yun.

Nung isasara na nya, tumanaw muna na siya sa labas. Nakita nya daw yung babae sa kabilang bintana, nakatingin sa kanya. So, dedma siya, kasi nga wala pa siyang alam.

Kinabukasan…

"Neng, pakiwalisan naman yung kabilang bahay. Darating kasi yung mga may-ari, maalikabok e," sabi nung tita ko.

"Yung kabilang bahay po?" nagtatakang tanong nya.

"Oo, bihira kasing pumunta yung kapatid ko dito kaya bihirang malinisan," sagot naman nung tita ko.

Bigla namang natigilan si ate.

"E ate, sino po yung babaeng nakatanaw sa bintana kagabi? Hindi po ba siya yung may-ari nyan?" tanong nya.

"Naku, walang nakatira jan," sabi nung tita ko, "nagpakita rin pala siya sa'yo," dagdag pa nya.

At ayun, dahil wala namang choice si ate, go pa rin siya sa paglinis, binilisan nya na lang.

After 2 or 3 days, nagpaalam na siya. Uuwi na raw siya sa kanila.

*****************************************************************************

Sorry, kung maikli. Ganun talaga. i'll try to write longer next time. :D

Kwentong KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon