Kusina :)

1.8K 18 10
                                    

Hi. This story was told by my tita last Nov.1 lang. Pero according to her, it happen some time ago.

Ganito kasi yun.

Maaga talaga gumising si tita kasi maaga din siya naglalaba. Mga 4am daw un, or mag-a-alas kwatro pa lang ng umaga, naghahanap siya ng tubig na pangmumog. E dahil wala silang stock sa kusina nila, gora sya sa kusina namin. Magkahiwalay naman yung mga kusina namin pero open lang yung pinto, hindi namin nilalock kasi para lang hindi makapasok yung mga aso sa kusina kaya may pinto.

Mejo mabigat yung pinto, kelangan ng force para maitulak yun. Parang nakadikit kasi masyado sa sahig yung pinto kaya bukod sa mabigat e maingay din sya.

Edi eto na nga daw, diba. Nakapatay pa yung mga ilaw kasi yung switch nun e malapit sa hagdan, so malayo sa pinto na papanggalingan nya. May mga daga, pusa, ipis, etc. sa kusina namin, madami actually. Hehe pero ibang 'creeps' naman yun, diba?

Pag tulak nya daw ng pinto, nagulat siya ng biglang magsigalawan yung mga upuan, yung parang inayos bigla. Yung parang katatayo lang nila, nagulat, inayos yung upuan. :D Ang weird dito, mabibigat yung mga upuan namin sa kusina. Kahit sabihing pusa yun, na sabay sabay nagsigalawan yung tatlong upuan, amazing yun. Haha.

Ayun. Dati pag wala nang ilaw sa kusin namin tapos bababa ako, keribels lang e. Nung narinig ko 'to, wala na. Haha.

Ayun lang. :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kwentong KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon