Mga kwento nila.

2.6K 8 0
                                    

Marami na ring nakaexperience ng kakaibang thrill na hatid ng bahay na iyon. Karaniwan, mga kasambahay yung nakakaranas. Hindi naman kasi nila alam yung mga nangyayari dun, diba.

Isang araw, gabi pala, naglalaba yung kasambahay ng tita ko.

Yung labahan nila e katabi nung bahay. Tanaw mo yung bintana sa taas nung bahay pati yung hagdan nung bahay pag nandun ka sa labahan.

Mga hating gabi na daw nun, so akala nya tulog na ang lahat.

Maya maya, biglang nagpatay sindi yung ilaw sa taas. Incandescent light bulb lang kasi yug gamit dun sa taas kaya pag in-on mo yung swith, iilaw agad, diba?

E di ayun na nga. Patay sindi yung ilaw. Mga 3 minutes daw yun. Alam ni ate na dun nagistay sina tita nung mga time na yun.

Nagpanic si ate. Akala nya kasi nagaaway sina tita at tito, mejo on the rocks na rin kasi sila nung panahon na yun.

Nagmasid masid lang siya. Maya maya, tumigil na rin yung pag patay sindi nung ilaw.

Kinabukasan, nakita nya si tita sa labas, bumibili ng pan de sal.

"Ate, okay ka lang ba?" tanong nya.

"Oo naman, bakit?" tanong ni Tita.

"Nag-away ba kayo ni kuya kagabi? Kasi biglang nagpatay sindi yung ilaw sa taas nyo kagabi e, mga 12 na ata nun," sabi ni ate.

"'Neng, hindi na kami dun natulog kagabi. Bumalik na kami dun sa bahay," sagot ni tita.

"Ate, wag kang magbiro ng ganyan," sabi ni ni ate.

"Hindi ako nagbibiro. Baka naiingayan lang sa washing machine mo kagabi," sabi ni tita.

At simula nun, sinisigurado ni ate na maaga siyang matatapos sa paglalaba.

____________________________________________

May naging kasambahay din si tita dati. Dahil walang space sa bahay nila, dun natutulog yung kasambahay nila sa kabilang bahay.

Mahimbing na natutulog yung kasambahay nila. Tawagin na lang natin siya sa panggalang kuya, lalaki siya.

Naalimpungatan siya.

Narinig nya na tumutunog yung washing machine sa baba, sa labas ng bahay. May naririnig na rin siyang nagwawalis sa labas.

Bumangon siya. Akala nya umaga na.

Pagbangon nya, binuksan nya yung ilaw. Hindi ito sumindi. Akala nya pundido lang.

Bumaba siya. Binuksan ang ilaw. Hindi pa rin umilaw.

Wala na yung tunog ng washing machine at yung nagwawalis.

Walang kuryente. Brown out pala.

Pag akyat nya ulit, tinignan nya yung cellphone nya.

Alas tres pa lang ng madaling araw.

Sa takot nya, natulog na lang siya ulit.

_____________________________________________

Meron pang isang kasambahay na dun din natutulog dati. Bagong gawa pa lang yung bahay nun.

Dun siya sa kwarto na malapit sa punong mangga dati.

Working student si ate. Pang hapon yung pasok nya.

Mga bandang 11am, inaayos nya na yung gamit nya. Uniform, medyas, panyo.

Madalas noon, tuwing magbibihis na siya, nawawala yung medyas nya.

Wala namang kukuha nun kasi nga hindi naman kami umaakyat dun.

E dahil nagmamadali na siya, kukuha na lang siya ng bagong pares dun sa cabinet nya. Tapos papasok na siya.

Pag uwi nya sa hapon, nandun na ulit yung medyas nya kung saan nya ito pinatong.

Ayun, papansin lang sila. :D

____________________________________

Siguro, gusto lang nila ng attention kaya nagpapapansin sila.

Pero dapat nga ba silang pansinin?

Kwentong KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon