Sa Dorm, bow.

2.5K 11 3
                                    

Nung mag college ako, hindi ako sa amin nag-aral. Nakapasa kasi ako sa isa sa mga top unversities dito sa Pilipinas kaya naman hindi ko na pinalampas ang pagkakataon.

Akala ko, sa bahay lang namin yung mga 'kakaibang' karanasan ko. Ayoko maniwala na meron akong kakayahang makaramdam, makarinig, at makakita ng mga bagay na hindi naman nakikita, nararamdaman o naririnig ng isang 'normal' na tao.

First year ako, sa university dorm ako tumira. Mura kasi at saka taga malayo kasi ako. Mga freshmen din ang mga kasama ko sa dorm.

Mahiyain ako noon, kaya naman hindi ko agad naging kaclose yung roommates ko. Apat kami sa kwarto, dalawang double deck na kama. Magka-head to head yung mga kama, pero separated ng parang cabinet na lalagyan ng mga libro and other stuff.

Yung kama ko nun e tabing bintana, so malayo siya sa pinto. Pagnakapwesto ka sa kama ko, hindi mo agad makikita kung sino yung pumasok sa pinto, pero maririnig mo kasi mejo maingay yung pinto namin.

Isang gabi, naka upo ako sa kama ko, dun ako nagrereview. Yung mga room mates ko naman, nasa labas ng room. May table kasi dun, parang study area siya.

Tahimik ang paligid. Maya-maya, may naghum sa kabilang kama. Sigurado akong sa kabilang kama yun, kasi 2nd floor kami so impossible namang sa labas yung naghuhum. Akala ko, pumasok si room mate.

So nagsalita ako, "Bi, pahiram naman ng libro mo sa Math." Walang sumagot, hindi pa ako tumatayo sa kama. Nagsalita ako ulit, "Bi, ginagamit mo ba? Mamaya ko na lang hihiramin," sabi ko.

Tumayo ako, kukuha sana ako ng tubig sa water jug. Paglingon ko sa kama ng room mate ko, walang tao. Nakaayos yung bed sheet, walang bakas na may umupo dun or something. Natulala ako. Nung narealize ko na magisa nga lang talaga ako sa kwarto, natataranta akong lumabas. Nandun sila sa study table, nag-aaral.

Nagulat sila nang bigla akong lumabas na parang natataranta.

Sabi nung room mate ko na takot sa ipis, "Uy, bakit bigla kang lumabas? May ipis ba?"

"Wala ang pumasok sa inyo?" tanong ko.

"Wala, kanina pa kami dito, hindi pa nga namin nasosolve 'tong probset e," sabi naman nung friend namin na taga kabilang room.

"S-seryoso?" tanong ko ulit.

"Oo nga. Bakit ba?" sabi naman nung room mate ko.

"K-kasi may naghuhum sa may kama ni Bi, akala ko pumasok sya. Nanghiram ako ng libro, wala naman sumagot. Kala ko dedma lang, pagtayo ko, walang tao kaya lumabas na ako," sabi ko.

Dahil dun, nadagdagan yung takot ni Bi. Matatakutin na siya dati pa pero mas nadagdagan pa.

Hindi na kami natulog ng patay ang ilaw simula nun.

*********************************

Kwentong KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon