chapter59: My plans are working.

5.2K 55 11
                                    

Irish's POV

"Wag ka nang mag-alala.Anyway, hindi na kita asawa.Kaya please leave me alone!"

Paulit-ulit sa utak ko yung sinabi niya. Hindi na niya ako wife?

Hindi! Siguro nasabi niya lang yun dala ng selos kay Lance.

Kaso ano naman ang pagseselosan niya dun sa tao? Eh hindi na siya pumupunta dito simula nung dumating si Ian, kahit nga si Kaye eh hindi na rin bumibisita dito sa bahay.

Kamusta na kaya yung batang yun?Hindi pa rin namin natatapos ang Cinderella story.

"Babe, I miss you so much.I hope I could be with you."

Ayan na naman si Ian. Mag-kausap na naman sila ng girlfriend niya sa phone. Nagiging madalas na din ang pag-uusap nila.Wala naman akong magawa kundi ang makinig. Bakit? Eh sobrang lakas kaya nang boses nitong si Ian. Talagang sinasadyang iparinig sa akin, kagaya ngayon.

Imagine nasa kabilang room siya at naririnig ko hanggang dito sa room ko.Well nakabukas naman kasi ang kwartong ito.

Siguro mas better kung aalis muna ako with my babies.

Kinuha ko sa gilid ng crib yung baby push cart nila. Pang-twins talaga ang binili ko para hindi naman masyadong mahirap hawakan at bantayan.

"I love you too." kadire!

Maliban sa kadire, naiirita ako at nasasaktan.Para siyang bulag, sana man lang hindi niya masyadong ipinaparamdam sa akin na we dont have any chance at all.Na forever friends nalang kami.

I asked Yaya to help me carrying my twins to go downstairs.

Sobrang hirap pala kapag walang Manag Rosita na umaalalay sa akin.Lalo naman at hindi ko ka-close itong si Yaya.

I put Geoff on the left side ng push cart while sa right naman si Yani.

Inilagay ko rin sa tabi nila yung baby bottles.

Fresh air lang ang katapat ng sama ng loob na nararamdaman ko.Pero refreshing din kapag nakikita ko ang babies ko.

"I'll be there soon Babe.I love you so much." ang o.a talaga kahit kelan.

Anong akala niya sa akin tanga? Talagang lumipat pa siya sa terrace para lang mang-asar.

Gusto ko siyang sigawan pero wag nalang. Mas iisipin niyang gumagana ang pangbabadtrip niya sa akin.

Binuksan na ni Yaya ang gate tapos lumabas na ako kasama ang babies ko.

Kung ganyan siya, mas mabuti ngang hayaan ko nalang siya bumalik ng Baguio para makasama na rin niya ang girlfriend. Naging ok naman ang buhay ko nang wala siya. Kaya siguro naman magiging ok pa rin kung mawawala ulet siya.

AHHHHHHH! Parang ayaw ko. Ayaw ko talagang mawala ulet siya. Magulong- magulo na pati utak ko.

"Twins ano ba ang gagawin ni Mommy?" ang tagal niyo naman lumaki babies, wala nang mahingian ng advice si Mommy.

Hindi rin pala ako ang nag-gagala with baby dito sa subdivision na to. May iilan ding Mommy, kasama rin ang mga husband nila. Kaiinggit naman.

If you love someone set him free.

Aisus! Bakit mo naman papakawalan kung talagang mahal mo?

Ah basta kahit ilang parinig niya sa akin,magtatakip tenga nalang ako.I waited 7 long months to be with him tapos biglang set him free ulet?Ano to lokohan?

Basta ngayon gusto ko siyang makasama, wala akong paki kung sino na ang mahal niya ngayon.

Kashungahan ba?

I RAPED HER (HE RAPED ME) by: MaxiemaeBread6Where stories live. Discover now