CHAPTER30: HOW TO EASE THE PAIN?

6.9K 66 7
                                    

Ian's POV




"Irish you need to eat.Sige na ohh."rinig kong pagsusumamo ni Samantha kay Irish habang hawak yung soup bowl at pinipilit subuan ito.





Its been a week since nung ma-Hospitalize si Irish.Wala naman daw siyang sakit.Na-stress raw ito marahil at di nakayanang bumagsak ang katawan niya.Shejust need a rest.Kaso yun nga ang problema  eh simula nung lumabas siya ng hospital eh wala na siyang ganang kumain at laging parang tuliro.



Madalas niyang tanungin si Samantha kung ano ba daw talaga ang nangyari sa Papa niya,kung bakit ito namatay kaso binilinan ko siyang huwag munang i-bring up yung topic na yun at kung maaari wag nang pag-usapa. Sinunod naman ni Samantha yung sinabi ko.



Nakita ko namang palapit sa akin si Samantha, nasa kusina ako at nagluluto, nagleave din ako para maalagaan ko ang asawa ko.




"Kuya, ayaw talaga niyang kumain eh."nagpapasalamat din ako kay Samantha na she's always there for her cousin.




"Ako nalang ang gagawa niyan mamaya.Wala ka bang gagawin? Baka masyado na kaming nakakaabala." nakakahiya sa kanya,dapat yung pagpaplano ng kasal niya yung inaalala niya ngayon eh.Madalas kasi siyang mag-stay dito simula nung umuwi sila dito sa pinas.




"Ai shit! Its already 11, naalala ko may seminar pala kami para sa church today.Buti nalang pinaalala mo Kuya." sabi nito habang hinahanap yung bag niya.



"I'll go ahead Kuya." pagpapaalam nito sa akin.




"Samantha!"tawag ko sa kanya ng hindi pa siya nakakalabas ng bahay.




Nilingon niya naman ako.




"Thank you for being there." ngumiti lang siya sa akin at nagpatuloy sa paglabas.



Natapos na din akong magluto ng lunch for us. Sinabi ko talaga kay Manang na kung pwede ako muna ang magluluto ngayon baka sakaling mapakain ko si Irish. Ilang araw na siyang hindi ganun karami kumain.



Nang mahagip ng mga mata ko siya, nakatulala na naman ito at makikita mo yung tumutulong luha.



Hindi ko siya masisisi kung bakit siya ganyan ngayon. Ilang taon din siya nabulag sa galit sa Papa niya na akala niyang iniwan siya.




Nilapitan ko siya.



"Honey..." tawag ko sa kanya ng bigla itong yumapos sa akin nang napakahigpit.




"Bakit ba siya nawala ha??*huhuhu*Tell me Honey.." umiiyak na naman siya. Nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko ba kung bakit namatay ang ama niya.Baka lalong makasama sa condition niya ito.





"Tell me *huhuhu* tell.. me..Honey..please..." ramdam na ramdam ko yung sakit sa kalooban na pinagdadaanan ng asawa  ko ngayon.



Sasabihin ko ba o hindi?



Bahala na.




"I promise Honey.Sasabihin ko sayo but for now please tulungan mo muna yang sarili mo makabawi. Kumain ka muna." baka mas lalo siyang madepressed kapag nagkaganun.




"I can't." tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at hinawakan ko ang mga pisngi nito.




"Be strong Honey.Alam kong malalampasan mo din tong pagsubok sayo." she just nod habang pinupunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi niya."Kung ayaw mong kumain for the sake of your health then isipin mo yung baby natin sa womb mo.Gusto mo bang maapektuhan din siya?"para siyang batang umiiling-iling."Yun naman pala Honey eh.Kakain ka nang marami ha." napangiti naman ako ng mapasunod ko siya.Niyakap niya ulet ako.





"Dont leave me Honey ha?I only have you and baby.Mamatay ako kapag mawala pa ang isa sa inyo." napalunok ako bigla. Paano kung dumating na yung time na kailangan ko na siyang iwan, paano na? Ayaw ko munang mag-isip sa mangyayari, ang mahalaga ngayon kasama niya ako.





"Oo. Hindi kita iiwan.I love you." sabay halik sa buhok nito.




Travish's POV



"Sir magkano po?" tanong nung lalaki.




"Ah, full tank na." sabi ko dun sa gasoline boy.



Hay salamat nakapagpagasolina din,sobrang haba kasi ng pilang sasakyan kanina eh ganun di sa kabila.Ang init pa kaya medyo iritado ako.




Lumabas muna ako sandali sa kotse ko para magpahangin,ang init sobra.Di na umeepekto yung aircon ko sa sobrang init.









"Ah Kuya matagal pa po ba yan. Malelate na po kasi ako sa lakad ko eh." agad kong hinanap yung boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali na sa kanyang boses yun.








"Bingo!" pabulong kong sabi nang makita ko nga siya.




Bakit naman kaya siya nandito?



Lumapit ako sa kinaroroonan niya.



"Ma'am medyo matatagalan pa po, kasi butas po yung gulong eh.May extra po kayong dala?" narinig kong sabi nung lalaki sa kanya.



"Wala po eh."




"Excuse me can i help you?"napalingon siya agad ng marinig niya akong nagsalita.




"Ah ikaw pala Travish."napangiti siya ng pilit.




"May problema ba?" tanong ko kahit alam ko naman kung ano.





"Kasi Sir butas yu--"



"Ah kaya na namin to Travish.We dont need you help."ngiting sabi nito.



"Pero ma'am sabi niyo ho malelate na kayo.Matagal pa po ito."sabat pa nung driver niya ata.




Kapag sinuswerte ka nga naman oh!




"I can take you Samantha,san ba ang punta mo?" ang ganda ng timing, may napapala pala ang paghihintay sa maraming pila ng sasakyan sa gasolinahan habang gusto mong magmura sa init ng panahon.Tama lang pala na naghintay ako.



"Wag na nakakahiya naman sayo." dama ko na medyo ilang siya sa akin. Last time na nagkasama kami nito hindi naman siya ganyan.




"Hindi naman. Wala naman akong appointments today kaya pwede kitang ihatid." sa totoo lang tambak ang trabaho at pipirmahan kong papeles sa office pero iisantabi ko muna yan para kay Samantha.




"Hindi pwede eh.A--i mean wag nalang." ano ka ba naman Samantha,bakit ba ang hirap mong makuha?!



"Sabi nga ni Manong malelate ka na. Eh ikaw din." sabi ko sa kunwaring may 'hinayang'tone.




"Sir! Full tank na!" tawag nung gasoline boy sa akin.




"Ano Samantha? Tara na."medyo nagdadalawang isip pa siya. Sana naman pumayag baka batuhin na nang mga kasunod kong sasakyan yung kotse ko na nakaharang dun.




"Ah si-sige na nga. Manong ikaw na bahala dyan ah." pahabol nitong sabi sa driver niya.



Pinagbuksan ko siya ng pinto pagkatapos binayaran ko naman yung gasoline.





"Samantha san nga pala ang punta mo?" pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa.




"Sa St.Agustine Church."sabi nito nang hindi tumitingin sa akin.




Bakit ang ilap mo?



"Malelate ka na ba talaga?" panay kasi ang tingin niya sa wrist watch niya.




Tumango lang siya.




"How are you?" napatingin siya sa akin nang may pagtataka.




"I-im doing good."sabi nito at muling umiwas ng tingin sa akin.




Biglang pumasok sa isip ko, ano kaya ang nangyari kung natuloy kung iconfess sa kanya yung feelings ko nung gabing yun? May magbabago kaya?I mean mamahalin din niya kaya ako. Ang gay amputa!








"You love him that much noh?" puta bakit ito lumabas sa bibig ko.




"Yeah. Sobra!" ouch!Sapul! Nagtanong pa kasi ako.





"Mahal ka niya?" para na akong gagong nagtatanong nang obvious naman ang sagot.




"Oo.Sabi niya." medyo natatawang sagot nito Siguro naiisip niyang nababaliw na ako sa mga itinatanong ko sa kanya.






"So nagmamahalan kayo?"




Napatingin siya nang laking gulat.



Nakita ko namang may kinuha siyang bagay sa bag niya.




"Gago ka pa rin talaga Mr. Agoncillo eh no!Syempre naman!"sabi nito na nagpipigil tumawa sabay bato ng tissue. Ay salamat nawala din yung pagkailang sa aming dalawa.




"Bawal na bang magtanong ngayon?"



"Napaka-obvious kaya! Eh bakit ba magpapakasal ang dalawang tao?Malamang dahil mahal nila ang isa't isa."  aba malay ko!Wahaha.





"Malay mo trip lang." bato ulit pero ngayon pabango na! Masakit ah!.






"Mapanakit ka na ah. Pumunta ka lang ng New York ganyan ka na!" parang may pagtatampo kong sabi sa kanya.




"Eh ang shunga mo pa rin eh.Ikaw lang ata yung baliw na magpapakasal dahil sa 'TRIP LANG'!"napaseryoso naman ako ng tingin sa kanya.







"Paano naman ako magseseryoso eh yung bride to be ko eh bride na nang iba?"ayon sa peripheral vision ko nakikita ko siyang sobrang gulat sa sinabi ko na parang di alam yung irereact.

















"ANG HEAVY 'TOL!"napabuga naman ako ng tawa ng marinig yan sa kanya! Grabe iba talaga sapak nitong si Samantha. Minsan parang bakla magsalita pero ngayon. Ah ewan!




Puro tawanan nalang yung nagawa namin.Ganito pala yung feeling nang kasama mo ang isang babae na sobrang mahalaga sayo.Marahil hindi siya ganun kasexy tulad ng iba pero isa lang ang lamang niya,kaya niya akong pangitiin sa simpleng ngiti lang din niya.





Mahal paano ka ba magiging akin?ANG HEAVY NGA!! Kadireng POV toh! Sarap kotongan nung author!




"Salamat sa paghatid ah."sabi nito nang pagbuksan ko siya ng pinto.





"You're always welcome."nakita ko namang may lumapit na lalaki sa kanya.




"Babe bakit ngayon ka lang?" ayun na ata yung pakakasalan niya. Mas gwapo pa ako dun eh. Kung alam ko lang na ganyan pala tipong lalaki ni Samantha sana sinabi niya para nag-papanget ako.SAYANG. MEDYO MAHANGIN.





"Nasiraan kasi ako ng sasakyan eh. Ah siya nga pala si Travish." inabot ko naman ang kamay ko para shake hands kaso hindi niya tinanggap.




"Sana ako tinawagan mo para di ka nakaistorbo sa iba."agad tumalikod yung boyfriend niya at iniwan kami.




"Sige ha. Pasensya na. Thank you." pagkasabi niya nito sinundan niya agad yung lalaking yun.





Nagseselos? Hiwalayan na agad! Para akin ka na!





Samantha's POV



"Sige ha. Pasensya na. Thank you." pagkaalam ko kay Travish eh agad kong sinundan si Ryan.




"Ui. Babe hintayin mo naman ako." sabi ko habang binibilisan ko ang lakad para maabutan ko siya.




"I have my cellphone Samantha.Sana ako yung tinawagan mo para nasundo kita."aist! Galit na naman! Masyado naman tong seloso!





"Eh kasi Babe nagkataon na-- huh na siya yung nandun kanina eh." nakakapagod naman habulin maglakad to. Ang daya ang hahaba ng biyas niya eh.





"Tss." lintik na! Pag ganito tong si Ryan, alam kong galit na siya.




Ian's POV



Pagkatapos ng dinner nakatulog naman agad si Irish sa mga braso ko. Medyo ok na siya.Napipilit ko nang kumain. Mahirap na baka magkasakit pa silang dalawang mag-ina.



Siguro nga masyado nang matagal kung ililihim pa namin ang tungkol sa Papa niya. Kailangan ko na ngang sabihin sa kanya.






+++++
Sana may nagbabasa! Please add niyo ako sa facebook.MaxiemaeBread po! Hindi naman nakaprivate kaya mahahanap nyo yan!




VOMMEFAn:)




fairytale_believer

I RAPED HER (HE RAPED ME) by: MaxiemaeBread6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon