CHAPTER 10: ANNULMENT?

12.4K 131 17
                                    

"Ma'am si sir Ian po!!" parang nag-aalalang sigaw nung katulong. 

Natigil naman kami sa pagtingin ng mga pictures.

Saka ko lang naalala na kanina pa pala siya umalis sabi niya may pupuntahan lang daw siya saglit.

Aba inabutan siya ng takip silim sa saglit na sinasabi niya ah.

Pagkalapit ko sa front door nakita ko agad si Ian.

Akay ni Manong, yung driver nila Mommy.

Mukhang lasing si pangit ah.

Tinulungan ko na si Manong iakyat si Ian sa kwarto niya.

Ano na naman kaya ang problema nito?

Ah baka nalaman niya na, na may kabit din yung kabit iyang SI BANGUS.

Hayok! Makipaghalikan yun eh. 

Naalala ko na naman  yung halos makipa-make out na siya sa kasama niya sa loob kotse.

"Salamat po Manong." sabay sarado ng pinto pagkalabas ng matanda.

Ano kaya problema nitong pangit na to?

Sabi niya saglit,yun pala nag-inom lang.

Pero ngayon ko lang siyang nakitang nag-pass out.

I RAPED HER (HE RAPED ME) by: MaxiemaeBread6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon