chapter 42: ill wait for him kahit na..

5.8K 48 5
                                    

Ian's POV

I'm going home.

Hindi dahil gusto kong makipag-ayos sa kanya,kundi para kunin yung iba kung gamit sa bahay. Masyadong nang maliit ang bahay na yun para sa amin.

Ang laki kong Gago kung sasabihin kong hindi ko na siya mahal.

But I can't deny na sobra akong nasaktan sa ginawa niya.

Alam mo yung tipong akala mo lahat ng pinapakita niya sayo ay totoo. Para akong iniputan sa ulo!Niloko ka na nga pinagmukha ka pang tanga.Sweet and loving wife daw! Pweh! Yun pala maskara lang.Ang galing niyang magpaikot ng tao.Pero hindi ko maitangging nadala ako sa pagpapanggap niya.

Sabi naman niya, minahal na niya ako kaso hindi mo rin maalis sa isipan ko na baka pinapaikot pa rin ako nito.

Kapag naiisip ko to, parang binugbugbog ako ng isang milyong tao.Binabanatan kahit saang parte ng katawan. Pero bakit ganun yung nararamdaman ko? Nasa loob naman ng katawan yung puso ko, pero parang siya yung pinaka bugbog sarado.

I turned off the car's engine.

Hindi ko na ipapasok sa loob yung kotse dahil hindi naman ako magtatagal dito.

Pumasok na ako sa loob at isinara ang gate.

"Good morning po." nakita ko si Manang na nagdidilig sa mga halaman, sa garden malapit sa pool side.

"Iho, mabuti naman nakaisip kang umuwi." galit si Manang, yan ang naririnig ko sa boses nito.

"Sana po maintindihan niyo ako."hindi ko na hinintay pa na magsalita ulet si Manang."Excuse po." naglakad na ako papasok ng bahay.

Ayaw niya kaming ganito ni Irish kaya siguro may hinanakit ito sa akin.Maiintindihan din niya ako.

Nakita ko namang nasa kwarto si Irish,kasama yung kambal na nasa kanya-kanyang crib nito.

"How are you Honey?"

Hindi ko pinansin at deretso ako sa walk-in closet.

Irish's POV

"How are you Honey?" i asked kahit alam kong hindi niya ako sasagutin.

He just passed by and ignore me.

Sinundan ko siya sa walk in closet namin.

"Kumain ka na ba?" i asked again pero as usual wala pa rin sagot.

"Pupunta ka ba sa office ngayon?" baka sakaling sumagot siya kaya nagtanong ulet ako.

"Yes." formal yung pagkakasabi niya.

"Ah ok.Wait for me there ah.I'll just prepare a breakfast for you, bago ka umalis."thanks god at kinausap na niya ako.

Napapangiti ako nang bigla. A single word from him, it means a lot to me.

"Hindi na.I took my breakfast already." sayang naman, namimiss ko na rin siya makasama eh.

"Eh how about lunch? Gusto mo bang dalhan kita sa office?"ngiting-ngiti kong tanong sa kanya.

He looked at me with no any emotion in his face.

"Ayaw mo ba?Ok. Hintayin ka nalang namin nila Geoff at Yanesha for d--"

"Wag nang ipilit." nakakabato siya magsalita. Parang bored na bored at ayaw akong kausap.

Napatungo na lang ako. Mukha na pala akong tanga.

Nakita ko namang lahat ng kinukuha niyang damit ay inilalagay niya sa bag.

Iiwan na niya kami?

"Magbabakasyon ka lang naman di ba?" i bit my lower lip para pigilan yung nagbabadyang luha.

Tama! He's just going to have his vacation or maybe a business trip.

Sige lang Irish, gawin mong shunga yung sarili mo.

"Sa condo muna ako for now." iniwan niya ako at lumakad palapit dun sa crib. Hinalikan niya yung twins.

"Why are you doing this to me?" nararamdaman ko na naman yung luha ko na umaagos.

"And why you did that to me?"hindi ako makasagot sa sinabi niya.Ayan na naman yung tingin niyang puno ng kutsilyo,ang sakit sa mata."Nothing even matters to you kundi yang sarili mo.Napaka-self centered mo Irish." mahinahon nyang sabi pero punong-puno ng galit.

"I never push you to love me forever.Sabi ko, be with me just in 2 years.Yun lang hindi mo pa maibigay.Akala ko talaga mahal mo na ako..." he smiled at me while his tears still running."...pero I wanna say thank you pa rin kasi in just a short period of time pinaramdam mo na mahal mo ko kahit sa isang pagpapanggap lang." ganun nalang ba yun? Pero sa bagay nasaktan ko siya and I can't win back his trust.

"Give me another chance please." sobrang gusto kong lumuhod sa harap niya para lang pagbigyan ako.

"Let's take a break Irish.Alam kong dito.." he put his hand on his chest trying to feel his heart.".. I already forgive you.He never stops from beating and shouting your name.But my mind says, na baka daw were not meant to be and we're just wasting our time together because this relationhip didn't and will never work." feel ko yung bawat salita na binibitawan niya.

"No..no dont say that.I will do anything you want." he come near to me and hug me. I hug him back.

"I love you so much but you hurt me.Gusto kong buuhin tong puso ko.Its not enough that you just love someone, kelangan yung trust and respect." tinanggal na niya yung pagkakayakap sa akin.And I saw our wet faces.Puro luha.

He walked out.

Sa isang mistake mawawala siya sa akin.

Ang tanga ko, boba, shunga, loka-loka! Bakit na naman siya mawawala?

"Babalik ka pa ba?" I asked between my sobs.

He never turn on me.

"I dont know." it made my sobs louder.And he walk again.

"I'll wait." i dont know if he heard that. But its true i will wait.May bumalik man o wala. Maghihintay ako.

Kahit mapagod akong maghintay sa kanya,hindi ako titigil.

Kahit it will take years, ok lang.

Kahit pumuti na yung buhok ko kakahintay, I will.

I will wait for you, Honey.

+++++

PLEASE READ THIS: IMPORTANTE TO!

Para akong tangang umiiyak habang nagsusulat. Parang shunga lang. Tama naman di ba, hindi sapat ang mahal lang. Kasi bali-baliktarin man ang mundo hindi mabubuo ang LOVE without trust and respect.

VOte+coMMEnt+FAN= VOMMEFAN:)

I already used my surname sa isang character sa stories ko.

And ang makahula ng surname ko, yung pinaka-una ah! I-a-add

ko sa TRUE FB ACCOUNT KO. WHERE YOU CAN SEE THE REAL ME!na pangit ako at mukhang CHOOOSSS!joke!

Fairytale_believer

I RAPED HER (HE RAPED ME) by: MaxiemaeBread6Where stories live. Discover now