Chapter 10 part 1

114K 1.2K 179
                                    

AN

alam kong marami akong errors dito. sa tablet ko lang sinulat ito.... ayusin ko na lang pag may time....

pagpasensyahan nyo na at hinati ko lang ulit yung chapter

Chapter 10 part 1

Alex

Before the camera clicked, I projected and gave my prettiest smile. Kahit ba mug shot lang ito, I want to look my best. Ayokong magmukhang hoodlum, baka kung saan makarating sa internet ito. I should look my best pa rin. Si Justine Beiber nga, todo smile sa mug shot nya. ako rin!

Nakakaloka lang talaga, kabi kabila ang mga billboards ko, palagi din akong laman ng magazines and commercials, mapa-local o international man, pero kahit isa sa kanila hindi man lang ako nakilala! Porket hindi ako artista at laman ng telenovela? They are dead set that we are a part of Red's gang! Sa ganda kong ito, mukha ba akong gangster?! Well, at least napatunayan kong walang bading sa mga pulis, dahil isa man sa kanila ay walang hilig sa fashion, it's also quite obvious just by looking at them, mga wala ding fashion sense.. Oh well... ganon talaga e. Kanya- kanyang trip lang yan.

On second thoughts, si Red nga pala maganda din pero isa pala sa mga leader ng sindikato! At ang grupo nila ang tumira sa bus na sinakyan namin. Tama ang hinala ni Charles dahil ang sabi ng mga pulis ay hinold-up nga nila ito at iniwan sa may Batangas ang bus. Given na na-hold up kami pero hindi ko pa rin ito lubos na mapaniwalaan na kasabwat si Red at sya pala ang leader!

"Manong pulis,naman e, pakawalan nyo na kami. Ang mga itsura ba naming ito mukhang magnanakaw?" sabi ko sa pulis habang hinahatid ako sa selda.

Deadma lang sya ng ipinasok pa rin ako sa selda. Wala man lang tango or whatever. Deadma as in deadma, baka naman pipi sya?

Then reality sunk in…..

Oh my gosh!!! ang beauty ko nakakulong!!! waaaaa!!!!!

Magkasama kami ni Red sa isang selda, si Charles naman ay nasa katabing selda namin, kasama ang limang malalaking goons na mukhang hindi gagawa ng matino.

"Manong Pulis.. ilipat nyo na lang si Charles dito sa min. Ikaw din, kapag nagkaroon ng kahit na isang pasa yan, lagot kayo sa parents nyan, baka suspendido kayong lahat, hindi lang suspended, tanggal kayo sa serbisyo. Or better yet, pakawalan nyo na kami. Wala naman kayong ebidensya sa min. imposible lahat ng binibintang nyo . Look at us, don't we look so angelic to you??" I tried to put on my most innocent look.

"It's alright Alex I can handle myself here." Charles said giving me a reassuring smile.

Lumapit ako kay Charles na ang nagpapahiwalay lang sa min ay mga rehas na bakal.

"Hoy! " Sabi ko sa mga goons na nakatingin sa amin ng masama. "Wag kayong lalapit sa kanya a. kung hindi...."

Charles looked at me with amusement in his face. What the heck is wrong with this guy? namimiligro buhay nya sa mga kasama nya sa selda tapos ngingiti-ngiti pa!

I looked at him incredulously.

"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya.

"Nothing."

"Then why are you looking so amused? masaya ka ba dahil nakakulong tayo ngayon?"

"No, its's not that. It's just good to know na ipagtatanggol mo pala ako. " Then he chuckled. "concern ka pala. It's not that I don't like it, but it's me who should take care of you."

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon