HSG 3

88.8K 1.9K 235
                                    

Fact: Mahirap magsulat sa POV ng lalaki. *punas pawis* pwew!

*Partners in Crime*

"Sige na Ivan ituro mo na sakin yan!"

"Ayoko. Matalino ka naman eh! Kaya mo na yan!"

"Bilis na kasi! Isolve mo na yan!"

"Kanina ituro ngayon solve naman, ano ba talaga?"

"Eh ayaw mo kasi!"

"Wag kang magulo nagrereview ako!"

"Yiiii pinaghahandaan talaga ang partnership nila ni Andrea."

"Tahimik."

"Yiiii .. nagpapa impress sya .."

"Tumigil ka .."

"Inlove na talaga sya!" tuloy pa din ang asar nya sakin.

"Isa Dale!" naiinis na saway ko sa kanya.

"Oh? Tinawag mo na ako sa pangalan ko? Nice! Improving! Goodboy!" hinawakan pa nya yung ulo ko na lalong nagpatalim ng tingin ko sa kanya.

"Dale anong height mo?" ngingisi ngisi kong tanong sa kanya.

Medyo lumayo sya at inirapan ako.

"I won't tell you .." napangiti ako at umusod palapit sakanya.

"Ano nga?" kulit ko pa.

"Heh! Lumayo ka sakin!" pilit pa din syang lumalayo.

"Sige na! Promise hindi ko sasabihin kahit kanino! Ano height mo?"

"Eto gusto mo?" tinaas nya yung kamao nya at pinakita sakin.

Di naman na ako natatakot sa kanya, natatawa na lang akong pinagmasdan sya, alam ko naman na mas matangkad ako, pero aminado naman akong lamang si Dale sa kagwapuhan .. insert nakakadiring tono.

Matalino ako, matalino sya. Gwapo sya; Gwapo din naman ako, matangkad ako ... hehe

wala na! Panalo na ko!

"Anong tinatawa tawa mo dyan?" sinuntok nya pa ako sa dibdib.

"Hehe .. wala lang .. ang cute mo pala no?" pang aasar ko kay Dale. Alam kong nagets nya yung meaning nun.

Ang cute nya kasi ang liit nya. Hahaha for the first time naging masaya akong kausap sya .. merom din pala akong panlaban sa kanya!

Ngingisi ngisi lang ako ng bigla syang tumayo.

"Dalhin mo sa classroom ko yang mga gamit ko, tapos gawin mo na din ang written report ko sa Philosopy, after class sunduin mo ko sa room ko, ibalik mo lahat ng yan sa sasakyan. Naiintindihan mo? Yes? Good! bye."

Bahagya akong napatulala sa ginawa nya. Ano daw? Parang hindi yata nag sink in sakin yung mga sinabi nya, naiiling na lang ako sa huli, ang hirap pa lang asarin ni Dale.

Inayos ko yung mga gamit ko for my next subject ng lumapit si Andrea sakin.

"Hi Ivan!" hindi ko alam kung paano haharap sa kanya, ngingiti ba ako o ngingiti ako?

Paano ba dapat ngumiti? Yung shy type? Nakakahiya naman. Yung big smile? Ano clown lang? Oh yung maniac smile? Wag kay Dale yun, baka sabihin nang agaw pa ako, wala akong copyright.

Sa huli ngumiti na lang ako sa kanya. The way Ivan dela Cruz smile, yung tipong pang boy next door.

"Ha-ha ha .. " napalunok ako. Hindi ako tumatawa ha. Magha-hi sana ako kaso peste yung boses ko bakit biglang nanginig hindi ko tuloy masabi sa kanya ng deretso. "Hi." may kasamang malalim na hininga bago ko matapos ang pagbati sa kanya.

His Sexy Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now