HSG 5

85.7K 1.6K 110
                                    

*Quizz Bee*

Ang hirap pala magkabisado ng mga letra kung yung utak mo mas kinakabisado pa ang mukha ng taong kaharap mo.

Grabe naman kasi, ang ganda ganda ni Andrea, alam mo yung walang ka effort effort yung ayos nya ngayon, nakapusod yung buhok nya ng pataas, yung bilog sa pinakaataas, tapos naka PE shirt at short lang sya, walang bahid ng make up at higit sa lahat, wala naman syang ginagawa pero naaakit ako sa kanya.

Pinikit ko yung mata ko para maka pag concentrate na ng biglang may lukot na papel ang bumato sakin. Lumading yun sa tabi ng kinauupuan ko.

Dear Ivan,

Hoy! magreview ka! Hindi yung nagnanakaw ka ng tingin jan! Malusaw yan!

Nagmamahal,
Gwapong Dale

Luminga linga ako para hanapin si Dale, at ang loko nasa taas ng puno nakaupo, stalker lang ang drama nya!

Problema mo? i mouthed. Nagkibit balikat lamang sya at saka nag akto ng kung ano ano.

Andun yung kunwari nag flip ng mahabang buhok tapos nag puppy eyes pa, saka nag korteng puso gamit ang kamay nya at nilagay sa mata, pagkatapos nun nangalumbaba sya na parang nangangarap, tas bigla nyang kinuha yung laylayan ng shirt nya at pinunasan ang gilid ng labi na tipong tumulo yung laway.

Saka nya ako tinuro.

Naiiling na lang ako kay Dale. Napansin kami ni Andrea kaya naglipat lipat ang tingin nya samin. Si Dale naman parang nahiya kaya bumaba ng puno at saka sumaludo sakin para magpaalam.

Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa hawak kong reviewer. Hanggang ngayon palaisipan pa din sakin ang inakto ni Andrea nung nag kapunishment kami ni Dale. Nung sinabi nyang Bad Influence daw sakin si Dale. Nung tinangka ko naman na magtanong hindi nya ako sinagot.

"Uhm .. Andrea .." tawag ko sa kanya. at tiningnan nya lang ako at nag antay ng sasabihin ko. "Matagal na ba kayong magkakilala ni Dale?" tanong ko.

She smile at me. "No. Ngayon ko lang din sya nakakilala though .. magkakilala ang family namin."

Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Matagal ng magkakilala ang pamilya nila, pero ngayon lang nya nakilala si Dale? Naguluhan ako sa sinabi nya.

"Don't think that too much. What I mean is .. ngayon ko lang sya nakilala ng totoo .. yung totoong John Dale Aragon. And it's because of you." huminga sya ng malalim at muling nagsalita. "Sorry sa mga sinabi ko nung nakaraan."

Nakatingin lang ako sa mga mata ni Andrea na kakaiba timungin, maganda ang mata nya na tila laging may pinapahayag

"Sir Ivan una na ako. Good luck satin bukas." yun lang at tumayo na sya kipkip ang mga reviewer namin.

Pagtayo nya ay nakita ko ang panyo nyang naiwan. Hindi pa sya nakakalayo kaya naman naisipan kong habulin sya para ibigay yun.

Lumiko sya sa corridor papuntang car park kaya naman sinundan ko pa din sya. Pero laking gulat ko ng makitang nasa harap sya ng sasakyan ni Dale, oo alam kong sasakyan ni Dale yun, dahil bukod sa kabisado ko na ay nakabukas pa ito, nakaupo si Dale sa driver seat at si Andrea ay nakatayo lang sa labas nito, pinagmasdan ko lang kung paano sila mag usap, seryoso sila at tila parehas may pinapaliwanag sa isa't isa.

Nakita ko ang pag smirk ni Dale kay Andrea, pati na din ang pagbaba ni Dale sa sasakyan nya at ang paghabol ni Andrea sa kanya.

Yes. Hinabol ni Andrea si Dale, hinawakan pa nya ang kamay nito at tila may pinapakiusap. Nasa labi pa din ni Dale ang kakaibang ngiti at tumuloy sa paglabas.

His Sexy Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now