HSG 1

166K 2.4K 409
                                    

*The Plan*

As usual, katulad ng lagi kong ginagawa araw araw, papasok sa school, deretso sa library at  classroom.

Bago lumabas ng apartment na tinutuluyan ko ay tumingin muna ako sa salamin, napa 'haaay ..  na lang ako sa isang pimple na nakita ko sa gilid ng noo ko.

Si Andrea Valdez lang naman ang dahilan nyan. Inayos ko ang eye glass ko at pinadaan ng kamay ko ang polo shirt ko. Lumabas na ako at ni-lock ang kwarto ko. Pababa galing sa third floor ng apartment type building na tinutuluyan ko ay nadaanan ko pa ang mga batang walang salawal, mga kapitbahay ko sila.

Nausal ko na lang tuloy, hindi ko hahayaang mangyari yun sa mga anak ko. Ayokong lumaki sila sa isang eskinita na puno ng basura, mabaho at maingay ang madadaanan. Nang makalabas ako sa eskinita at nakarating sa main road ay baghantay ako ng jeep na dadan sa school ko.

Eto abg mahirap eh, yung walang sarilibg sasakyan. Tss .

Twenty minutes na akong nakatayo pero lahat ng dumadaan ay puno, thirty minutes na lang, simula na ng klase ko. Kaya naman wala na akong nagawa, sasabit na lang ako, nang dumaan ang jeep ay talo talo na kaming mga pasahero, sumabit na ako kahit alam kong mababasa ng pawis ang suot kong uniform, kahit alam kong magmunukhang ewan ang hitsura ko pagdating sa klase.

Nagpasalamat akong ten minutes pa before ang una kong klase, dumiretso ako sa room ko at naupo sa pinakauna, may special quizz pala kami ngayon sa Statistics, naupo ako sa pinakaunahan kung saan puro bakante ang upuan, dahil bukod sa terror ang Prof namin ay sobrang higpit pa.

Nagsimula akong isa isahin sa isip ko ang mga nireview ko. Wala pa ako sa kalahati ay nakita ko na si Andrea, papasok sa classroom namin. Naupo sya sa linya na kinaaupuan ko, dalawang upuan ang pagitan namin, at nagsimulang magreview.

Napalunok ako at pilit na kino-concentrate ang utak ko sa pagkabisa ng mga nireview ko.

Pero ang hirap pala nun, yung abot tanaw mo lang yung babaeng espesyal sayo, tapos laging umookupa ng utak mo, para tuloy hindi magkasya sa utak ko yung mga nireview ko dahil, occupied nya na ang utak ko.

"Yow .." umupo sa tabi ko si Aragon at sabay linga kay Andrea. Nginitian nya ako tinanguan. Sa ginawa nya ay nawala sa paningin.ko si Andrea.

Ok. Tama lang yung ginawa ni Aragon, ng pansamantala ko naman syang makalimutan at makapag review ako ng maayos.

As the quizz goes, napansin kong hindi nag susulat si Aragon, nakaka distract sya sa totoo lang, pero binigyan lang naman kami ng limang sasagutan.

Problem solving lang naman. Awa ng Dyos ay nasagutan ko naman ng maayos. Nung matapos ako ay agad na hinablot ni Aragon yung papel ko at pinagpalit yun samin.

Problem number one pa lang ang nasasagot nya, sa totoo lang tama naman yung sagot nya, tamad lang talaga. Kaya naman, wala na akong nagawa kung hindi sagutan 'to.

"Ayos ka talaga!" akbay ni Aragon sakin ng  palabas na kami ng classroom. "At dahil jan ililibre kita ng lunch!"

Agad na nangislap ang mata ko, libre daw! Kung ayun naman pala lagi ang kapalit ng pangongopya nya edi ok! Makakatipid na ko!

Nagpunta kami sa isang reatau malapit sa  School. Doon kami nag lunch, wala akong masasabi kay Aragon hindi sya kuripot, galante pa nga sya sa pagkain eh.

Patapos na kaming kumain ng makita namin sila Andrea. Papasok sila ng restau.

"Oh anong balak mo ngayon? Kelan mo liligawan si Andrea?" tanong nya sakin.

"Wag ka ngang maingay, baka may makarinig sayo?" nagpalinga linga ako sa mga kapwa namin estudyante, they are all busy.

"Pssh. Ano nga?" pangungulit pa nya.

His Sexy Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon