HSG 4

82.9K 1.7K 58
                                    

*Punishment*

"Tatlong araw akong magbubunot ng damo sa gitna ng arawan? Nasaan ang katarungan doon? Sayang naman ang gwapo kong mukha kung masusunog lang .. tss .." litanya ni Dale habang nagbubunot kami sa soccer field ng mga damo yung malalaki na at nakakaharang sa daan.

"Kasalanan mo yan. Nanuntok ka kasi. Pati tuloy ako nadamay na." irap ko sa kanya. Magkatalikuran kami habang nagbubunot ng mga damo.

"Gaya gaya ka naman. Kung hindi mo pinatulan.yun edi sana hindi tayo napansin ni Dean."

"Ako pa ngayon! Eh ikaw nga itong nauna eh!" tamo to .. ako pa talaga ang sinisi.

Pinagbuti ko na lang ang pagbubunot ng damo. Nang mag ring ang bell ay agad kaming tumayo .. tanda yun na tapos na ang oras namin ng paglilinis.

"Ivan .. pinapatawag ka pala ni Prof Henry." lapit ng isang classmate namin.

"Sige. Thanks." pagpapasalamat ko. "Dale .. sige una na ako .." paalam ko kay Dale at agad na tumakbo.

Bigla kong naalala ang dapat na reviewing namin ni Andrea. Lintek naman oh! Pahamak talaga tong si Dale!

Naghugas lang ako ng kamay at nagtuloy sa office ni Prof.

"Sir .." bungad ko kay Sir Henry. Nandoon sa tabi nya si Andrea. I was feeling shy at first. Pota napapa english ako sa kaba.

"Good afternoon Mr. dela Cruz." napalapit ako sa kanila. "This are the handouts na re-review-hin nyo. Kayo na ang bahalang mag hati." kumuha ako ng isang papel at tiningnan yun. "That's all .. kayo na ang bahala at mag usap para sa pagre review."

"Thank you Sir." tumayo na si Andrea at lumabas na, sumunod lang ako sa kanya.

Nang nasa corridor kami ay humarap sya sakin. Yung kaninang makalusaw tingin ko sa likod nya ay nalipat sa hand outs ko. Kinakabahan akong napalunok.

"Ivan .." lumipat muli yung tingin ko sa kanya. "Nakita ko yung ginawa nyo ni Dale kahapon.." ewan ko kung nahihiya sya sakin.or nagdadalawang isip magsalita. "And .. i felt bad about you, nasira yung record mo sa school, nasa dean office ako kanina at narinig ko yung kwentuhan nila Dean, so if I we're you .. layuan mo na lang sya .. concern lang ako sa'yo .. pwedeng mawala ang scholarship mo kung hindi ka lalayo sa kanya, he's being a bad influence to you." nagkibit balikat sya at tumingin sakin. "Sige mauuna na ako, ako na lang magpapa photo copy nito. Bibigay ko na lang sayo bukas." yun lang at tuloy tuloy na syang lumakad palayo.

Napa isip ako sa sinabi nya .. Yeah .. nasira na ang record ko sa school. Dalawa pang pagkakamali at pwedeng ng mawala sakin ang scholarship. Pero kahit kailan hindi ko inisip na si Dale ang may gawa nun, sa maikling panahon na nagkakasama kami tinuturing ko na syang kaibigan, oo at bully sya pero hindi ko nardaman na minaliit nya ang pagkatao ko.

Pero ngayon. .  nalungkot ako na yung babaeng espesyal sakin ay pinapalayo ako sa taong pilit naman akong pinapalapit sa kanya.

Dale and Andrea are both special to me. Pero ngayon bigla ata akong naguluhan sa pangyayari.

Naglalakad ako palabas ng gate ng makarinig ako ng busina, itim na kotse ang nakita ko sa likod ko, agad akong gumilid, pero ng dumaan ito sa harap ko ay binaba nito ang salamin, i saw Dale.

"Oh musta review?" tango nito sakin habang mabagal na nagpapatakbo.

"Ok lang." balik ko sa kanya.

"Tara sama ka samin!" aya nya.

"Ha? Hindi na .. uuwi na din ako." tanggi ko.

"Aww c'mon! KJ mo! Madaming pagkain dun!" pang iinggit nya pa sakin.

His Sexy Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now