HSG 10

79.9K 1.6K 131
                                    

*Stay*

Pagkalabas ni Dale ng unit nya ay naiwan kaming dalawa ni Andrea, parehas tahimik. Hindi ko alam kung paano sya kakausapin.

"Gaano katoto na buntis ka?" napatingin sya sakin mula sa pagkakatungo.

"How did you-"

"Akin yan." kusang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa tyan nya.

Tila isang magnet na hinihila ako palapit ng tyan nya,habang nakatingin doon ay unti unti ang pagkabog ng dibdib ko. Pero nabaling ang tingin ko sa kanya ng makita syang humakbang din palayo sakin.

"Bakit Andrea?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Diba sabi ko naman sayo aalagaan kita, gagawin ko lahat para sayo .. alam kong hindi natin parehas ginusto to .. pero diba dapat hindi natin to tinatalikuran .."

Marahan lang syang umiling sakin.

"Hindi ganoon kadali yun Ivan. All this time my family expected me to be one of them .. Ivan .. I don't want to dissapoint them .."

Pilit kong binabasa ang emosyon ng mukha nya.

"Pero isipin mo din ang buhay na nasa sinapupunan mo .."

"I did. I always did."

"Andrea, kailangan nya ng isang ama na mag aalaga, wag mong gawing komplikado ang buhay mo."

"Kaya nga Ivan. My life will be complicated If Dad will knew about this."

"No Andrea. Iniisip mo lang yan. Sinasabi mo lang." kinuha ko ang kamay nya at pinisil. "Alam kong hindi natin to ginusto, na sa mata ng mga tao, huhusgahan nila tayo, pero mas masakit kapag hindi natin ito hinarap, mas malaking problema kung lulusutan natin to. Walang ibang option kung hindi harapin natin to."

Napatingin sya sakin .. kitang kita kong nagdadalawang isip na sya.

"Pero paano si Dad?"

"Tutulungan kitang magpaliwanag." pagpapalakas ko ng loob nya.

"Ivan .. hindi mo kilala si Dad."

"Kaya natin to .. " nagkatinginan kami at walang na syang nagawa kung hindi ang mapatango na lang.

Matapos namin mag usap ni Andrea ay hinayaan ko muna syang magpahinga .. kinakabahan man ako ay pinilit kong magmatapang.

"Oh .. ano na?" tanong ni Dale sakin ng bumalik sya.

"Kakausapin namin ang parents nya. Wala naman ibang paraan kung hindi yun lang eh." napabuga na lang ako ng hangin.

"I'm telling you Ivan, swerte ka na lang kung makalabas ka ng mansyon ng pasa lang ang meron ka. Sadista tatay noon!"

Napatingin ako kay Dale .. at lalong kinabahan sa sinabi nya. Imbis na palakasin ang loob ko .. pinapakaba nya lang ako lalo.

"Tara na .." rinig kong aya ni Andrea samin.

Si Dale na hindi kami iniwan sa mga panahon na kailangan namin ang tulong nya, sya ang naghatid samin papunta sa bahay nila, at nagulat pa ako ng bumaba s

din sya.

Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Sasamahan ko na kayo,mabuti ng may hihila sa yo palabas kung sakaling di ka na makatayo." at nag smirk pa sya sakin.

Malakas ang pagkabog ng dibdib ko ng pumasok sa malaki at magarang mansyon nila Andrea, makikita ang mamahaling mga gamit, at mga muwebles, sa gilid ng engrandeng hagdan ay nakapaskil ang mga malalaki nilang litrato, pinakahuli ang larawan ni Andrea.

"Naku kang bata ka! Kanina ka pa hinahanap ng Daddy at Mommy mo!" salubong ng matandang babae kay Andrea.

"Yaya .. pwede mo bang tawagin sila Mom and Dad, may importante kasi kaming sasabihin sa kanila." bahagya pa akong nilinga ni Andrea.

His Sexy Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon